^

PSN Showbiz

Susan Roces updated kahit walang sariling social media account

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Dennis kasama pa ang Daddy nang maki-party sa anak ni Jennylyn!

PIK: Sa loob ng siyam na taong ipinagkatiwala ng Champion kay Susan Roces, lalo pa nilang ipinagkatiwala sa Queen of Philippine Showbiz ang naturang produkto na may bagong look at logo.

Inilapit sa mga kabataan ang bago nilang campaign, at ang dali namang mag-adjust ni Manay Inday. Wala raw siyang social media account, pero madali raw niyang maiparating ang mensahe niya at pasasalamat sa social media sa account ng mga malalapit na kaibigan.

“I keep in touch with my followers through my friends,” pakli nito.

Kaya alam niya ang mga hash tag, hash tag na ‘yan, at tingin daw niya ang hash tag daw sa kanya ay #ChampionsaKatapatan.

PAK: Sa pangalawang episode ng Sunday PinaSaya, kapansin-pansing hindi pa rin nagkasama sa isang number o sketch sina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

Ayon sa aming source, kahit sa backstage ay nag-iiwasan pa rin silang dalawa.

Masigasig pa naman ang fans nila na ayaw pumayag na maapi ang kanilang idolo.

BOOM: Dumalo si Patrick Garcia sa 7th birthday celebration ng anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na ginanap sa Blue Leaf sa Makati nung nakaraang Linggo.

Ang kapansin-pansin lang, wala ang mga magulang ni Patrick at ang kapatid niyang si Cheska Garcia-Kramer.

Kasama ni Patrick ang asawa niyang si Nikka at ang kanilang anak.

Hindi ba okay sina Jennylyn at ang pamilya ni Patrick?

Pero dumating din doon sa birthday party si Dennis Trillo kasama ang Daddy niya at ang anak niyang si Calix Andreas.

ALDEN RICHARDS

ALEX JAZZ

ANG

BLUE LEAF

CALIX ANDREAS

CHESKA GARCIA-KRAMER

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JULIE ANNE SAN JOSE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with