^

PSN Showbiz

Young actor nagco-cocaine kaya raw pawisin, aktres na nagdo-droga rin nagdadala ng electric fan at yelo sa CR

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Grabe nagulantang ako sa kuwento ng isang source na nagco-cocaine ang isang sikat na actor ngayon.

Kaya raw pala lagi itong pawisan at init na init ang pakiramdam. “Ganun kasi ang mga nagco-cocaine eh. ‘Yung talagang laging pawis na pawis. Ganyan kasi ‘yung aktres na nagco-cocaine din. ‘Pag punta niya sa comfort room, may dala ‘yung maliit na electric fan at super cold water kasi init na init siya,” sabi pa ng source.

Eh mahilig pa naman daw sumayaw ang actor na ito kaya kitang-kita ang tumatagaktak nitong pawis.

Sayang siya, ‘pag ipinagpatuloy niya ang bisyong ‘yan, mauuwi sa wala ang mga pinagtiyagaan niya bago nakilala.

Sarah seryoso sa planong pakakasal na?!

Unscripted at spontaneous pala ang ‘asaran’ ng The Voice Kids coaches na sina Lea Salonga, Bamboo, and Sarah Geronimo. Ayon kay Coach Lea, hindi raw sila nag-uusap basta na lang daw nangyayari ang kanilang sagutan.

Sabi naman ni Sarah open talaga sila sa kulitan, alaskahan at hindi puwedeng balat-sibuyas sila.

Bukod kasi sa galing ng mga batang biritera at biritero, kinaaliwan ng mga nanonood ang tatlong coach at ang hosts na si Luis Manzano with Robi Domingo.

Isa naman sa sobrang pinag-usapan sa programa ay nang sabihin ng pop superstar na si Sarah na ready na siyang mag-settle down.

Nang may sumundot na tanong kahapon sa grand presscon ng programa, ‘yes’ ang sagot ni Sarah G. Wow.

Anyway, text votes ang magiging labanan ng mananalo sa The Voice Kids na semi finals na ngayong weekend (Agosto 22 at 23).

Sino kina Kyle Echarri at Zephanie Dimaranan ng Team Sarah, Elha Nympha at Sassa Dagdag ng Team Bamboo, at Reynan Del-anay at Esang De Torres ng Team Lea ang magpapabilib sa coaches at publiko?

“I believe they will be up to the challenge of live shows, Magaling silang magkuwento at malalaki at malalakas ang kanilang puso,’’ pahayag ni coach Lea ukol sa kanyang top artists na sina Reynan, 11 at Esang, 8, ang pinakabatang artist sa Top 6.

Pilot episode pa lang napansin na si Reynan sa kanyang version sa Tagumpay Nating Lahat. At lalo pang tumatak sa coaches nang sabihin niyang gusto niyang ibandera ang kanyang tribong Manobo mula sa Bukidnon. Cutie rin si Reynan at hindi mahiyain.

Mula naman sa pagiging isang Mini Me ni coach Lea sa It’s Showtime, nakakuha si Esang ng three-chair turns sa kanyang blind audition at naging tuluy-tuloy na ang pag-advance sa kumpetisyon.

Potential naman ang nakikita ni coach Bamboo sa kanyang dalawang nalalabing artists na sina Elha, 10 at Sassa, 12.

Pangarap ng biriterang banana cue vendor na si Elha na makatulong sa pamilya. Ngayon, katulong niya si coach Bamboo na maabot ang kanyang mga pangarap.

Simula rin sa blind auditions, napansin na si Sassa sa kanyang unique na pagkanta ng hit song na Chandelier. Tinawag din siya ni coach Bamboo na isang tunay na artist at ‘‘a talent that I think can hone.’’

Samantala, nangako naman si coach Sarah na gagawin niya ang lahat para ma-improve pa sina Kyle, 13 at Zephanie, 10.

Si Kyle, ang football heartthrob ng Cebu, ang unang nasilayan ng mga manonood sa pangalawang season ng The Voice Kids,  at simula nito’y tinilian na siya para sa kanyang good looks at nakakakilig na boses.

Hindi naman magpapahuli ang young diva ng Laguna na si Zephanie dahil kitang-kita ang improvement niya sa Sing-offs sa kanyang pasabog na perfor­mance, malayo sa reserved na artist na nakita noong blind auditions.

In all fairness, sinubaybayan ang programa at nakamit  nito ang all-time high national TV rating nitong 46.3%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mga jobless sa showbiz kinakarir ang pagpaparamdam sa social media

Buti na lang at may social media, kung wala, baka tuluyan nang nakalimutan ang maraming artista. Kasi ‘yung mga walang pelikula at TV shows, sa social media na lang nagpaparamdam.

Once kasi na mawalan sila ng work, hindi rin naman sila nasusulat sa mga dyaryo at nababalita sa TV or even radio. Kaya ang mga kasalukuyang jobless na mga artista, kinakarir na ang social media. At lahat na lang ginagawa para mapansin. Ang siste nga lang, pag-wa ka rin career iilan din ang nagla-like sa photo na inilalagay nila. ‘Yun lang talagang matitiyaga na super fan na lahat ng artista ay pina-follow.                                       

ACIRC

ANG

COACH

COACH LEA

ELHA

KANYANG

MGA

NAMAN

NBSP

REYNAN

VOICE KIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with