Coco at Julia bagay na bagay
Although wala pang romantic relationship na namamagitan ngayon kina Coco Martin at Julia Montes liban sa pagiging close na magkaibigan, inamin ng huli na ang aktor umano ang pinakamalapit niyang kaibigang guy at inspired umano siya sa mga achievement at pagiging family-oriented nito.
Parehong mga lola nila ang nagpalaki sa kanila kaya ito ang kanilang common ground. Pareho rin silang bread winner ng kanilang respective families.
Coco is 33 at 20 naman si Julia.
Carla at Mikael kailangang maghanda
Sa darating na Lunes (August 24) pagkatapos ng 24 Oras na magsisimula ang pinakakaabangang pangalawang local remake ng hit Mexian telenovela na Mari Mar na pinagbidahan ni Thalia noong mid-90’s.
Ang unang local remake ng Mari Mar ay pinagbidahan ng Primetime Queen na si Marian Rivera noong Aug. 13, 2007 na tumagal sa ere hanggang March 14, 2008. Ito’y pinagtambalan nila ng kanyang mister na ngayon na si Dingdong Dantes na siyang gumanap sa papel na Sergio Santibanez. Ito’y idinirek ni Joyce Bernal.
Seven years after, muling bibigyan ng panibagong buhay ang iconic character na Mari Mar ng kauna-unahang Miss World ng Pilipinas, ang actress-beauty queen na si Megan Young at makakapareha niya for the very first time si Tom Rodriquez mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Samantala, dapat sigurong kabahan ang respective partners (in real life) nina Megan at Tom na sina Carla Abellana at Mikael Daez dahil sa maraming intimate scenes ng dalawa sa serye.
- Latest