^

PSN Showbiz

Bintang na lasengga at nanakit ng katulong si Sen. Grace hindi pinalampas ni Susan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na nagpigil ang original Movie Queen na si Susan Roces sa mga paninira sa anak niyang si Sen. Grace na nagluluta­ngan ngayong papalapit na ang 2016 elections.

Kabilang sa matin­ding pinag-usapan ang tungkol sa umano’y pagi­ging lasengga at nanakit umano ang senador ng kasambahay.

“Siguro, masyadong marami silang pelikula ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) na napanood!,” birong sagot ng beteranang aktres na ang kampanya ngayon bilang endorser ng sabong panlaba na Champion ay ang katapatan.

“’Yung mga bagay na ganyan, hindi na dapat patulan! Kahit ano naman ang sabihin ko o ng miyem­bro ng pamilya namin ay hindi nila paniniwalaan kung ayaw nilang paniwalaan!

“Ang masasabi ko lang, hindi namin naging ugali ‘yan. At siguro naman, hindi ko naman papayagan na maging ganoon ang anak ko!” diin ni Tita Susan.

Mas tumitindi nga kasi ang mga akusasyon sa senadora lalo na nga’t may clamor talagang kumandidato siyang presidente sa 2016 katambal si Sen. Chiz Escudero.

“Mas personal kasi ngayon. Sinisira na ang pagkatao niya! wala silang karapatan para magsalita ng ganoon. Although hindi dapat ikagalit.

“Katulad nga nang sinabi ko kanina sa aking interview tungkol sa Champion, ngayon, libreng namamahayag ang mga tao at this is a fine opportunity and I’d like to think of it in a positive note.

“Ngayon, may pagkakataon. Halungkatin na nila kung ano ang gusto nilang halungkatin! I will appreciate kung mapu-produce nila, kung sinumang tao ang makaka-match ng DNA ng anak ko!

“Aba, eh magpapasalamat ako sa kanya dahil matagal na naming hinahanap!” pahayag pa niya.

Pero hindi siya nagbigay ng sagot kung presidente o bise presidente ba ang posisyong kakandidatuhan ng kanyang anak. Sa tuwing magkakasama raw kasi sila lately, mas inuuna nila ang pagba-bonding kesa pag-usapan ang pulitika.

Parati lang daw siyang andyan para sa anak para paalalahanan.

Bukod sa mga paninira, kasama rin sa ibinabato sa kanya ang pagiging hilaw dahil walang karanasan sa pamumuno ng bansa.

“Ayokong magbigay ng opinyon. Ayokong magbigay ng suhestiyon! Kung meron man akong nakikitang mali, paaalalahanan ko siya bilang ina. But beyond that, hindi siguro dapat (makialam),” sabi pa niya.

“Napakaraming problema ng ating bansa. Ito ay pansarili ko lang damdamin bilang isang ina. Pinalaki ko ang aking anak na maging independent. Hindi ko siya bineybi talk habang pinalalaki ko siya.

“Hindi namin siya diniktahan. Hindi namin siya dineprive. Lumaki kung paano natin inaasahan na patakbuhin ang gobyernong ito.

“So kung bibilangin mo ang experience, hindi mo mabibilang sa ganoon lang. Kung ano ang edad niya ‘yun ang tagal ng ekpersyansiya kung paano pairalin ang patas sa lipunan dahil  ‘yan ay nagsisimula sa tahanan.

“Ang unang nagtuturo sa iyo niyan ay ang iyong mga magulang. How you live your life at home. Your daily practices. Your compassion for the less fortunate who are working for you.

“’Yun ang unang training mo, kung paano mo paiiralin ang gobyerno natin sa kasalukuyan. ‘Yun ang kailangan natin. Sa ating pamamahay magsimula. Lahat ng patas na tao,” madiin pang pahayag ni tita Susan.

Anyway, bukas ay may tribute screening ang pelikulang Ang Probinsyano ni Da King FPJ bilang pagdiriwang sa kanyang birthday

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

AYOKONG

CHIZ ESCUDERO

DA KING

FERNANDO POE

HINDI

KUNG

MOVIE QUEEN

SUSAN ROCES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with