^

PSN Showbiz

Regine naniniwala sa himala!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talagang gustung-gusto pa ni Songbird Regine Velasquez na magkaroon ng kahit isa pang anak. At tulad nga ng sinabi niya sa kanyang post, naniniwala siya sa milagro.

Dennis hindi mapipigilan bilang Felix Manalo

Sa kabila ng kontrobersya na kinasasangkutan ngayon ng Iglesia ni Cristo (INC), matutuloy ang pagpapalabas ng ka­nilang pang-100th anni­versary mo­vie na Felix Manalo na idinirek ni Joel Lama­ngan at nagtatampok sa isang na­pa­kalaking cast na pinamumunuan nina Dennis Trillo, Jaclyn Jose, Bela Padilla, My­lene Dizon, Jaime Fabregas, Yul Ser­vo, Ejay Falcon, Roxanne Barcelo, Ricardo Cepeda, Sheryl Cruz, Ryan Eigenmann, Allan Paule, Jay Manalo, Jaime Pebangco, Ping Medina, Alice Dixon, Raymond Bagatsing, Neil Ryan Sese, Phillip Salvador, Boy 2 Quizon, at marami pang iba. Ang Viva ang magri-release ng pelikula.

Gelli may kundisyon bago magbuyangyang ng katawan

Kahit past 40 na si Gelli de Belen, nagawa pa rin nitong mapangalagaan ang kanyang panganga­tawan, dahilan para tumanggap siya ng alok na ma­ging cover ng men’s magazine. Siyempre, kahit hin­di niya sabihin, proud dito ang Kapatid actress. Mabibilang kasi sa daliri ang bilang ng mga artistang babae na lampas na sa gulang na 40 at may mga malalaki nang anak ang nabibigyan ng alok na mag-pose ng sexy.

Hindi rin naman marahil tututol dito ang asawa niyang si Ariel Rivera dahil tiwala siyang hindi naman basta papayag si Gelli na makunan ng hindi maganda at ganun na lamang. Siyempre, pag-uusapan nila at pagkakasunduan kung sino man ang kukuha sa kanya na hindi malalagay sa alanganin ang kanyang pagiging isang maybahay at ina ng dalawang anak. ‘Yun ang kondisyon niya.

Marian hindi nauubusan ng supply ng bulaklak kay Dingdong

Napaka-sweet naman ni Dingdong Dantes na bigyan ng special birthday treat para sa kanyang birthday si Marian Rivera. At hindi nila isinikreto ang ginawa nilang bakasyon sa Amanpulo para i-celebrate ang 31st birthday ni Marian.

Proud ang mag-asawa to take the trip dahil ka­sa­ma nila ang kanilang baby. Nung una silang pumunta sa lugar ay dalawa lang sila, pero this time may dagdag nang isa.

Proud si Marian sa pagkakaro’n ng isang very thoughtful and generous husband na walang sa­wang nagbibigay sa kanya ng fresh na bulaklak, may okasyon man o wala. Bukod sa napakababa­ngong roses, isang kuwintas na perlas ang regalo sa kanya ni Dingdong para sa kanyang kaarawan.

vuukle comment

ACIRC

ALICE DIXON

ALLAN PAULE

ANG

ARIEL RIVERA

BELA PADILLA

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

GELLI

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with