Jiro tuloy na ang biyahe sa Japan
PIK: Babalik ng bansa si Maria Ozawa ngayong linggo.
May usap-usapang itutuloy pa rin ang pelikulang Nilalang, at baka si Cesar Montano raw ang gaganap ng iniwang role ni Robin Padilla.
Pero wala pang kumpirmasyon mula sa producer.
Hanggang ngayon ay wala pang statement si Robin kung gagawin pa rin ba niya ang pelikula at kung okay lang na si Maria pa rin ang makasama niya.
Hindi lang natin sure kung mainit pa rin ang pagtanggap natin kay Maria Ozawa, dahil ang dami pa ring nagba-bash sa kanya pagkatapos niyang punahin si Robin sa kanyang Instagram account.
PAK: Inaayos na pala ni AiAi delas Alas ang mga document para sa pagpunta nila ni Jiro Manio sa Japan.
Ipinost ni AiAi sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat at pinayagan daw siya ng facility na pinaglagyan ni Jiro na lumabas sandali para magpa-picture sa kanyang Japan visa.
Naluha raw siya nang pinuna ni Jiro na umiitim ang ilalim ng mata niya.
Sabi niya sa dating child actor, napagod lang daw siya dahil naggi-gym ito.
Hindi niya napigilang maluha nang sinabihan daw siya ni Jiro na huwag siyang masyadong intindihin. Unahin daw muna ang sarili niya. Pinagtawanan daw siya tuloy ni Jiro at ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan.
Sabi pa niya; “‘Pag nanay talaga mga ganyang eksena nakakaiyak pa din hay.
“At least sa mga salita niya nakikitaan na ng linaw na gumagaling na siya.”
BOOM: Nag-react si Kris Aquino sa pagkadawit ng pangalan niya sa isyu ng LTFRB kaugnay sa Premium Taxi, Uber, at Grab a Car na pinagtatalunan pa rin hanggang ngayon.
Sa ipinost niya nung nakaraang Biyernes sa kanyang IG account na “I’m sorry, you seem to have mistaken me for a woman who will take your shit.”
Mahaba ang paliwanag niya tungkol sa bintang na siya raw ang bumili ng 200 Toyota cars para gamitin sa Premium Taxi. Itinatanggi ito ni Kris.
Ayon kay Kris, hindi raw siya nagma-may-ari ng isang taxi company na nagu-operate ng Premium taxi.
- Latest