^

PSN Showbiz

Matteo hahanapan ng boyfriend si Shaina

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Lubhang napahanga si Matteo Guidicelli sa kapareha niyang si Shaina Magdayao kung kaya sinabi nito na gusto niyang ipakilala ang dalaga sa mga kaibigang lalaki na naghahanap ng kanilang maliligawan. Naniniwala siyang magiging ideal girlfriend si Shaina at nalaman naman niyang okay na para sa panibagong relasyon ang kanyang kapareha sa Singe/Single.

Tambalang AlDub ‘di dapat ipilit sa pelikula at totoong serye

Agree ang kapwa kolumnista ko rito sa PSN na si Veronica Samio kay Manay Ethel Ramos na hanggang sa Eat Bulaga na lamang pagtambalin sina Alden Richards at Yaya Dub. Feeling ni Vero, hindi kakagatin ang dalawa sa pelikula o maging sa mga teleserye.

Tama na sila sa Kalyeserye ng EB kung saan patok na patok sila. Hindi naman sa tinatawaran ni Vero ang kakayahan ni Yaya Dub, pero talagang pang-TV lang sila ni Alden. Vero believes it will take a much longer time para ma-develop sila bilang seryosong magkapareha.

Magaling ka na ba, Manay Ethel?  Vero informed me of your hospitalization at ipinagdarasal ko ang mabilis mong paggaling.

Mariel at Robin kailangan ng dasal para makabuo ulet

Hindi muna makapagho-host ng kanyang programa sa TV5 si Mariel Rodriguez na Happy Wife, Happy Life dahil sa miscarriage nito kaya pinalitan siya ni Gelli de Belen. Matatagalan ang healing process ni Mariel dahil halos magkasunod lamang ang pagkakalaglag ng ipinagbubuntis niya.

Sama ako sa pagdarasal na makabuo pa rin sila ng kanilang pamilya ni Robin Padilla.

Dennis at Jennylyn magaling magpaikot

Ang dami pa rin ang curious kung may unawaan ba o wala sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ang galing kasi nilang magpaikot ng tao. Kung si Dennis ay favorable ang reaction sa kanilang balikan, may alinla­ngan naman at ayaw mag-commit ng aktres.

Pero pasasaan ba’t lalabas at lalabas din ang totoo. Hindi naman nila ito forever na maitatago sa publiko. Hintay-hintay lang tayo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

DENNIS TRILLO

EAT BULAGA

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

JENNYLYN MERCADO

MANAY ETHEL

NBSP

VERO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with