Traffic enforcers absent sa baha!
Saksi ako sa pagdurusa kahapon ng mga pasahero at motorista sa East Avenue, Quezon Avenue at Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan na sinabayan ng mabilis na pagbaha.
Hindi talaga gumagalaw ang mga sasakyan sa East Avenue dahil sa tubig-baha sa kalsada. ‘Yung mga tao na nagmamadali, nilusong ang baha or else, forever na silang stranded. At ano ang nakakalokang eksena kahapon? Wala akong nakita na mga traffic enforcer kaya buhol-buhol ang traffic situation.
Hindi na ako nagpunta sa ibang appointment ko dahil hindi ko pinangarap na maging biktima ng baha.
Pagkikita nina Alden at Yaya Dub, sinabotahe?!
Muling inabangan ng mga Pinoy ang pagkikita nang personal nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa Broadway studio ng Eat Bulaga.
Sina Yaya Dub at ang Happy Birthday Girl na si Patricia Tumulak ang mga contestant sa Bulaga Pa More kaya umasa ang fans ng AlDub na magkikita na ang kanilang mga idolo.
Ang panonood kahapon ng Eat Bulaga ang dahilan kaya hindi nainip sa biyahe ang mga pasahero ng mga bus.
May mga ebidensya na makapagpapatunay na nakatutok sa Eat Bulaga ang mga bus passenger, ang mga litrato na kumalat sa social media.
Pati ang press corps ng Senado, itinigil muna ang kanilang mga ginagawa para panoorin ang pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub na hindi na naman nangyari dahil pinigilan ni Lola Nidora.
Nalungkot ang mga hopeless romantic sa mala-Cinderella na eksena na na-witness nila dahil naiwan ni Yaya Dub sa stage ang kanyang sapatos na nakuha ni Alden.
Nakakaloka ang pagsabit ni Yaya Dub sa estribo ng jeep para makalayo siya. Winner din ang pagsakay at pagpapatakbo ni Lola Nidora sa motorsiklo para makarating siya sa studio ng Eat Bulaga sa Broadway.
Pati ang mga host ng Eat Bulaga, natulala sa bilis ng mga pangyayari dahil gustong-gusto na nila na magkita at magkakilala nang personal sina Yaya Dub at Alden.
May reklamo lang ang mga cable subscriber dahil biglang nawalan ng signal ang kanilang mga telebisyon habang sumasayaw si Yaya Dub sa production number nito sa Bulaga Pa More.
Nag-alburoto ang mga complainant dahil hindi nila nasubaybayan ang mga inaabangan na eksena. Wondering sila kung sinadya ba o natural ang aberya na nangyari sa mga koneksyon nila sa cable TV?
Jose Mari, hindi ako binigo
Maraming salamat kay Jose Mari Chan dahil sa CD na ipinadala niya sa akin with matching dedication.
Ipinarating ko kay Papa Joe na type ko na magkaroon ng kopya ng kanyang Christmas album na Going Home to Christmas at hindi niya ako binigo.
A million thanks to Papa Joe na isa sa mga pinakamabait na singer na nakilala ko. Kabilang sa mga old rich sa ating bansa ang pamilya ni Papa Joe na dating may-ari ng isang five-star hotel sa Roxas Boulevard.
Kahit malayo pa ang Pasko, patutugtugin at pakikinggan ko sa sasakyan ang 22-track Christmas album ni Papa Joe na binansagan noon bilang Cliff Richards of the Philippines.
- Latest