Zsa Zsa hindi nagtugma sa pagiging kabit; Claudine magiging kulakadidang ni Eddie Gutierrez
MANILA, Philippines - Ang pagkawala ni Zsa Zsa Padilla sa cast ng Etiquette for Mistresses ng Star Cinema.
Dapat ay nag-shooting na si Zsa Zsa sa pelikulang pinagbibidahan nina Kris Aquino, Iza Calzado at Claudine Barretto (this is her comeback movie), pero hindi nagtugma ang schedules ng singer/actress sa schedules ng shooting ng pelikulang idinidirek ni Chito Roño kaya ipinalit na lang sa kanya ang veteran actress na si Pilar Pilapil.
Star-studded ang nasabing pelikula dahil kasama rin dito pati ang bagong Kapamilya hot star na si Arci Muñoz na sikat na sikat ngayon dahil sa kanyang pagpapa-sexy sa Pasion de Amor na napapanood bago mag-TV Patrol at sinasabing nagpataob sa A Mother’s Secret na tatapusin na raw ng GMA-7 dahil dapang-dapa sa ratings ng sexy telenovela ng Kapamilya network.
Gumaganap namang mister ni Pilar si Eddie Gutierrez at siya ang azucalera de papa sa pelikula ni Claudine.
Hindi magkakaproblema si Claudine sa misis ni Tito Eddie na si Annabelle Rama dahil hindi na ito selosa.
Sa totoong buhay rin ay sobrang close sina Bisaya at Claudine dahil “fan” ng una ang huli.
Masugid sa pagpo-promote ng reality TV series na It Takes Gutz to be a Gutierrez si Claudine dahil ayon sa kanya, tuwang-tuwa siya kay Bisaya.
Mga anak ni Ruffa, idol na idol si Kathryn!
Sa rami ng events na nagawa ni Raymond Gutierrez, sa event niya noong
Sabado para sa launch ni Kathryn Bernardo bilang image model ng isang footwear brand na Primadonna lang hindi nawala ang nieces niyang sina Lorin at Venice Bektas na mga anak ng ate niyang si Ruffa Gutierrez. Favorite nina Lorin at Venice si Kathryn.
Nagpa-picture pa nga ang magkapatid kasama si Kathryn.
Sabi ni Raymond, sobrang na-excite sina Lorin at Venice sa pagpunta sa nasabing event dahil nababaitan ang mga anak ni Ruffa sa tinaguriang teen queen.
Bukod sa pagho-host ng event na ‘yon, si Raymond din ang nag- ng event na ‘yon na bagong endorsement ni Kathryn.
Rocco at Lovi, hindi talaga pinagtambal!
Si Benjamin Alvez ang talagang leading man ni Lovi Poe sa Beautiful Strangers dahil ang boyfriend niyang si Rocco Nacino ay si Heart Evangelista ang kapareha sa bagong teleserye ng GMA-7.
Marami lang ang nag-aakalang sina Lovi at Rocco ang magkapareha sa Beautiful Strangers dahil sa totoong buhay ay mag-sweethearts sila.
Katulad nina Lovi, Heart at Rocco, magaling ding artista si Benjamin kaya isinama siya ng Kapuso network sa biggest teleserye nila.
- Latest