^

PSN Showbiz

Mga asawa nina Richard at Dawn tikom ang bibig sa kanilang ginagawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi inaasahan na hanggang nga­­yon ay magki-click pa rin sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na muling binuhay ng ABS-CBN sa pa­mamagitan ng hit teleser­yeng Walang Hanggan in 2012.

Pareho nang may kani-kanyang buhay at pamilya sina Richard at Dawn pero hanggang nga­yon ay marami pa rin ang natutuwa, kinikilig, at sumusubaybay sa tambalan ng da­lawa.

Richard is happily married to Rep. Lucy Torres-Gomez at meron na rin silang isang teenager daughter na si Juliana habang si Dawn naman ay misis ng businessman-turned po­­­­­li­­­ti­­­­­­ci­­an na si Rep. Anton Lag­da­meo at meron na ring dalawang anak ang da­lawa, sina Jacobo at Ayisha.

Kahit may nakaraan sina Richard at Dawn, parehong secured ang kanilang res­pective partners kaya never na nagselos o na-insecure ang mga ito.

Mayor Erap maraming alam kay Sen. Grace

Dinipensahan ni dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada ang kanyang inaanak na si Sen. Grace Poe laban sa mga naninira rito na ito umano’y lasengga at na­na­nakit ng katulong.

Kilala ni Mayor Erap kung gaano kabait, simple, at humble ang kanyang inaanak although hindi siya nagtataka sa mga bira rito dahil ang mud slinging ay bahagi na ng pulitika, bagay na ma­raming beses nang naranasan ni Mayor Erap at ultimo ng kanyang yumaong best friend na si Fernando Poe, Jr.

Although wala pang pinal na kasagutan at deklarasyon si Sen. Grace Poe sa kanyang pagtakbo sa panguluhan o ‘di kaya sa pagka-bise presidente, very strong ang clamor na siya’y tumakbo sa pagka-pangulo, ang posisyon na ipinagkait sa kanyang namayapang amang si FPJ.

Maging ang ina ni Sen. Grace Poe na si Susan Roces ay hindi rin nagsasalita na may kinalaman sa pagtakbo ng kanyang anak sa mas mataas na posisyon.

Rez Cortez at KAPPT magtatayo ng movement para kay Grace

Ibinahagi sa amin ng pa­­ngulo ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebis­yon (KAPPT) na si Rez Cortez, na nakatakda umano silang mag-launch ng Adopt Grace Poe Movement bilang suporta sa kandidatura ni Sen. Grace Poe kung saka-sakali ito’y magdeklara ng kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo o sa pagka-pangalawang pa­ngulo.

Kahit noong hindi pa pa­ngu­lo ng KAPPT si Rez ay ak­tibo na ito sa pagtulong sa kandidatura ng yumaong si FPJ.

 

vuukle comment

ACIRC

ADOPT GRACE POE MOVEMENT

ANG

ANTON LAG

ARTISTANG PILIPINO

DAWN ZULUETA

GRACE POE

KANYANG

MAYOR ERAP

REZ CORTEZ

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with