^

PSN Showbiz

Hindi naiwasang ikumpara ng magaling na aktres dalawang batang aktres magkaibang-magkaiba ang ugali

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi maiwasan ng magaling na aktres (MA) na ito na ikumpara ang dalawang mas batang aktres na pareho niyang nakatrabaho. Parehong maganda ang dalawa, pero sa ugali nagkaiba.

Si Actress A (AA), ka-share ni MA sa tent habang sila’y nagti-taping at sa buong panahong magkasama sila sa tent, hindi man lang siya binati at ni hindi man lang yata tiningnan ang direksyon kung saan siya nakaupo.

Kabaligtaran ni AA si Actress B (AB) na ka­sama ngayon ni MA sa isang soap. Pagpasok pa lang ni MA sa tent na share sila ni AB, agad itong tumayo, lumapit sa kanya at ipinakilala ang sarili. Ang mas ikinatuwa ni MA ay ang dialogue ni AB na happy s­iyang makatrabaho ang magaling na aktres.

Ang clue sa identities ng dalawang young actress ay pareho ang start ng letter ng kanilang first name.

Sandy hindi pumalag sa pagiging ‘rapist’ ni Boyet!

Suportado ni Sandy Andolong ang mag-ama niyang sina Christopher de Leon at Gab de Leon na magkasama sa Beautiful Strangers ng GMA 7 na pilot airing na ngayong Monday after Pari ‘Koy. Pinost ni Sandy sa Instagram (IG) ang publicity photos ng asawa at anak na hindi gaganap na mag-ama sa teleserye.

Nang makausap si Gab sa presscon, hindi pa siya nagti-taping sa role niyang Fil-Am na maa­ngas. Marami siyang kaibigang Fil-Am at sila ang gagawin niyang peg sa kara­ter ni Rex na pinsan ni Noel (Rocco Nacino).

Sabi ni Gab, hindi siya binibigyan ng tips at advice ni Boyet sa acting, sarili n­iyang atake ang ginagawa sa mga role at karakter na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

Bida-kontrabida rito ni Boyet na siguradong ipag­re-react ng kanyang fans. Imagine, Boyet bilang ra­pist ni Lovi Poe at may kabit at anak pa sa ibang babae?

ACIRC

ACTRESS B

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BOYET

FIL-AM

HINDI

LOVI POE

ROCCO NACINO

SANDY ANDOLONG

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with