Kuwento ng The Break-up Playlist damang-dama ng mga Pinoy sa Hong Kong at Singapore
MANILA, Philippines - Napaluha ang mga manonood samantalang naka-relate naman ang ilan sa blockbuster movie ng Star Cinema na The Break-up Playlist sa premiere nito sa Hong Kong at Singapore kamakailan.
Ang The Break-up Playlist na tungkol sa pinagdadanan ng isang couple na isinasalaysay sa isang narrative na parang isang music collection ay una nang pinalabas sa United States, Canada, United Kingdom, at Australia. Noong nakaraang buwan lamang ay napanood na ito sa wakas ng mga overseas Filipinos (OFs) sa Caritas Community Centre, Kowloon at sa Kallang Theater.
Higit isang libong mga Pinoy ang nakikanta at naka-relate sa pelikulang unang pinagtambalan nina Pop Royalty Sarah Geronimo at Ultimate Heartthrob na Piolo Pascual at tungkol sa dalawang musicians na sina Trixie David (Geronimo) at Gino Avila (Pascual) na pinagsama ng kanilang hilig sa musika ngunit pinaghiwalay ng kanilang mga paniniwala.
Ang pelikula na una ng naging hit sa Pilipinas at sa ibang bansa ay sumusunod sa kuwento ni Trixie na isang budding musician na pinag-aaral ng ina para maging isang abogado hanggang makilala nito si Gino. Tinuruan ni Gino si Trixie na sundin ang dikta ng kaniyang puso, kasama na rito ang tsansang sila ay maging isang on-stage at off-stage partners. Nang maglaon ay mas sumikat si Trixie at dito nagsimula ang professional jealousy. Sa pelikula, maririnig ang mga himig at tinig ng kanilang pinagdaanan.
Masuwerteng nakasalamuha ng mga Filipino sa Hong Kong ang dating Guillermo Mendoza Memorial Foundation Box Office King Pascual sa Hong Kong sa pamamagitan ng Star Cinema, in partnership with Metro Radio Hong Kong at co-presentor BDO Remit. Kasama ni Pascual sina Dan Villegas, director; Antoinette Jadaone, writer’ at Criz Gazmen, creative director.
Ang Singapore screening naman ay dinaluhan ng sponsors na pinamunuan nina General Manager Christy Vicentina at SingTel na pinamunuan ng Team Manager na si April Guances.
Ang Break-up Playlist ay direksiyon ni Dan Villegas at i-prinoduce ng Star Cinema at Viva Films. Para sa karagdagang updates at para maki-connect sa kapwa global Kapamilyas, bisitahin ang Facebook.
- Latest