Wendell ibabangga kina Jake, Ejay, at Joseph
MANILA, Philippines - Certified Kapamilya na uli si Wendell Ramos. Kahapon ay binigyan siya ng welcome presscon. Kasama na agad siya sa pinag-uusapang serye na Pasion de Amor.
Bibigyang buhay ng hunk actor ang panibagong karakter na lalong magpapainit pa sa mga tagpo ng serye.
Ito ang first teleserye ni Wendell sa ABS-CBN kaya naman nagpapasalamat siya at overwhelmed sa pangyayari sa kanyang career. Original Kapamilya si Wendell dahil sa Palibhasa Lalaki siya nag-umpisa.
Pambangga si Wendell sa mga nagliliyab na character nina Jake Cuenca, Ejay Falcon and Joseph Marco na talaga namang walang pakundangang mag-topless sa Pasion de Amor.
Unti-unti na nga kasing pumapasok sa buhay ng mga Elizondo ang ginagampanan na papel ni Wendell na si Gabriel, anak ni Gabriela (Teresa Loyzaga) sa ibang lalaki at lalabas na kuya sa magkakapatid. Pero nanatiling misteryoso ang kanyang pagkatao at hindi pa lubusang ma-gets kung siya ba ay kakampi o kaaway.
Sa kuwento, matapos tumugma ang kanilang DNA test, agad na gagawin ni Gabriela ang responsibilidad bilang ina at bibigyan si Gabriel ng maayos na tirahan. Ano kaya ang plano niya sa anak na ngayon lang nakilala? Kailan niya pormal na sasabihin ang katotohanan sa mga anak niyang sina Norma (Arci Munoz), Sari (Ellen Adarna), at Jamie (Coleen Garcia) na sobra rin ang ipinakikitang kaseksihan? Matanggap kaya nila ito bilang kuya? Ano ba talaga ang pakay ni Gabriel at inilantad niya ang kanyang pagkatao sa mga Elizondo?
Wala sa original story ang character ni Gabriel. Pero ayon kay Direk Ruel Bayani, unit head ng Pasion de Amor, puwede naman silang magdagdag ng character.
Pero aminado sa bagong lipat na actor na hindi pa niya napapanood ang kabuuan ng original version ng Mexican teleserye.
Bukod sa nararamdamang excitement, may challenge din kay Wendell dahil ngayon lang uli siya gagawa ng ganito.
Na-stuck siya sa pagiging komedyante sa GMA at nang mag-TV5 naman siya, nag-comedy at nag-action-action din siya.
Hindi rin niya inasahan na mangyayari ito sa career niya ngayon. Matagal na rin siyang nagpahayag na gusto talaga niyang maging Kapamilya.
Ito ang pinakaunang Kapamilya serye ni Wendell matapos unang lumabas sa hit legal drama na Ipaglaban Mo.
Napapanood ang Pasion de Amor Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol.
Young actress na pinu-push ng isang network kapos sa ganda
Hindi pala maganda in person ang baguhang actress na pinu-push ng isang network na pasikatin.
Sa picture lang siya maganda. Lalo na nang mag-cover siya sa mga magazine. Pero ‘pag nakita mo ng malapitan, waley na ganda.
Minsan ay dumalo siya sa isang event at dahil siguro akala niya hindi gaanong malaking pagtitipon ‘yun, hindi siya masyadong nagpaayos. Kaya nang makita siya, iisa ang puna sa kanya, kapos sa ganda.
Kaya naman pala hindi siya sumikat-sikat kahit kaninong actor ipareha.
- Latest