Kiko Rustia hahanapin ang mailap na Philippine tamaraw!
MANILA, Philippines – Sadyang maraming pagkakakilanlan ang bayan ni Juan - gaya ng mga hayop na sa Pilipinas lang matatagpuan. Pero marami sa mga ito ay nanganganib nang maubos dahil sa pang-aabuso at kapabayaan.
Ngayong Miyerkules, sila naman ang bibida sa I Juander!
Samahan ang bisita ng programa, ang environmentalist na si Kiko Rustia, sa isang wild life adventure sa Occidental Mindoro. Mahanap kaya niya ang mailap na tamaraw? O baka sa lumang piso na lang ito matatagpuan?
Dahil endemic sa Pilipinas ang mahigit 200 na uri ng ibon, popular na destinasyon ito para sa mahihilig mag-bird watching partikular na ang probinsya ng Pampanga at Zambales. Pero matatagpuan din kaya rito ang papaubos nang Philippine duck?
Sumama na sa adventure ng I Juander team sa pangunguna nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules, 8PM sa GMA News TV, at alamin ang sagot sa tanong ni Juan na: I Juander, ligtas pa nga ba ang mga hayop sa bayan ni Juan?
- Latest