^

PSN Showbiz

Gov. Vi ‘di napilit mag-bise presidente!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahit very much qualified, wala sa plano ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na maging running mate ni DILG Secretary Mar Roxas sa 2016 elections at lalong wala sa isip niya ang kumandidato bilang bise-presidente.

Last term na ni Mama Vi bilang gobernadora ng Batangas province at kung type niya na ipagpatuloy ang public service, malaki ang tsansa na kakandidato siya na congresswoman.

Kasama si Mama Vi sa local government officials na nagpakita ng suporta sa presidential bid ni Papa Mar sa event na ginanap kahapon sa isang restaurant sa Greenhills na nagresulta ng matinding trapik sa nasa­bing lugar.

Kumbaga sa isang showbiz affair, star-studded ang okasyon ng mga miyembro ng mga Liberal Party dahil present ang “who’s who” sa pangunguna nina P-Noy at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Nasukol si Mama Vi ng mga reporter sa gathering ng local government official at dito niya sinabi na hinding-hindi magbabago ang kanyang pasya na huwag kumandidato na bise-presidente pero hindi nakaligtaan ng Star for All Seasons na pasalamatan ang mga kapartido na naniniwala na magiging mahusay siya na pangalawang pangulo ng ating bayan.

Inulit ni Mama Vi ang kanyang madalas sabihin na nami-miss niya ang paggawa ng pelikula.

Ikinatuwa ng mga Batangueño ang pahayag ni Mama Vi na “Batangas ang nagbigay sa akin ng tiwala, Batangas ang gusto kong pagsilbihan.”

Naramdaman ng constituents ni Mama Vi ang pagmamahal sa kanila ng gobernador ng probinsya nila.

Mga detractor nagsimula na Sen. Grace inakusahang galing sa rehab

Malapit na talaga ang eleksyon dahil lumalabas na ang mga paninira sa mga napapabalita na kakandidato.

Hindi pa panahon ng kampanya pero nagbabatuhan na ng putik ang mga pulitiko na magkakalaban sa eleksyon.

Mali ang akala na marumi ang mundo ng showbiz dahil mas matindi ang siraan sa daigdig ng pulitika. Sa showbiz, tarayan at baklaan lang ang umiiral. Hindi kagaya sa pulitika na may mga pagbabanta sa buhay at kung anik-anik pa.

Matagal na ako sa showbiz kaya alam ko na ang mga tsismis na totoo at hindi dapat paniwalaan.

May nagkuwento sa akin na favorite topic sa mga coffee shop si Senator Grace Poe dahil siya ang target ng mga naiinggit at kinakabahan na baka siya na nga ang next President of the Philippines.

Kaliwa’t-kanan ang mga paninira kay Mama Grace, mga paninira na produkto ng fertile imagination ng mga inggitero at inggitera.

Nakakatawa at nakakaloka ang tsismis na lasenggera si Mama Grace, mainitin ang kanyang ulo, at dating pasyente ng isang drug rehabilitation center.

Hindi affected si Mama Grace ng mga smear campaign dahil salat na salat ito sa katotohanan.

Never na magpapaapekto si Mama Grace sa mga below-the-belt na paninira dahil alam ng lahat na maganda at maayos ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya, sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces.

Tanggap ni Mama Grace na puwedeng mangyari sa kanya ang naranasan ni Kuya Ron nang kumandidato ito noong 2004 kaya dedma siya. Inis-talo tuloy ang mga detractor ni Mama Grace dahil sa dedma attitude nito.

Knows ni Mama Grace na kakambal ng pulitika ang mga paninira pero matalino na ngayon ang mga Pilipino na nagsabi na matuloy sana ang pagkandidato ng lady senator para magkaalaman na kung sino ang tunay na gusto ng mga tao.

vuukle comment

ACIRC

ALL SEASONS

ANG

BATANGAS

DAHIL

FERNANDO POE

GRACE

MAMA

MAMA GRACE

MAMA VI

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with