Alex bagong member ng Team-O
MANILA, Philippines – Kilala ang Oishi bilang isang brand na nagbibigay ng saya sa kanilang fans. Kabilang ang Cracklings at Marty’s Chicharon sa kinababaliwan natin na nakilala sa pamamagitan ng mga superstars tulad nina Ramon Bautista, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Pinatunayan na ng Oishi ang kanilang kakayahan sa paggawa ng masarap at kakaibang snacks. At ngayon, pinapakilala ng Oishi si Alex Gonzaga na kabilang sa pinakabagong miyembro ng Team O! Bilang isang self-confessed fan ng Oishi, kinuwento niya na lumaki siyang paborito ang mga produkto ng Oishi tulad ng Kirei at Prawn Crackers.
Bagay na bagay si Alex bilang bagong endorser ng Oishi. Sinabi niya na mahilig talaga siyang kumain na dumating pa sa point na nagtago siya ng chichirya sa classroom. “Even when you’re just watching TV, nagiging mas exciting dahil sa kinakain mo,” kwento pa ng aktres.
Sinabi rin niya na gustung-gusto raw niya ang mga kakaibang flavors ng Oishi kaya lagi raw siya nakakaubos nito anytime, anywhere.
Nang tanungin kung anong snack ang gusto niyang matanggap mula sa kanyang crush, “Kasi sasabihin niya na may something na tayo!” natatawang sagot ni Alex, pero para sa kanya, perfect ang Oishi Crispy Patata dahil sobrang light lang ng snack na ‘to na ayaw na niyang tantanan kapag nasimulan na niyang kainin. “One is not enough!” para sa aktres.
Para sa kanya, ang pagiging part ng Team O! is really an “O-nor”, nagpapatawang pahayag ni Alex.
Para sa mas maraming kwento tungkol kay Alex, Team O at “O, Wow” moments, pumunta at makisaya sa Oishi Snacktacular! sa August 7 to 9 sa Trinoma Activity Center!
- Latest