Kotse ng Masculados Dos member na pinatay, ‘di pa rin nakikita!
PIK: Hindi puwedeng gamitin nina Jose Manolo at Wally Bayola sa Sunday PinaSaya ang karakter na ginagawa nila sa Eat Bulaga.
Kaya ibang-iba raw ang mapapanood sa kanila tuwing Linggo.
“Siguro kung may karakter din kaming magagawa, iba talaga kasi iba rin ang kasama namin eh,” pahayag ni Wally.
Hindi raw mapapanood sa Sunday PinaSaya si Lola Nidora, pero kung mag-karakter daw siyang donya, ibang-iba ito kay Lola Nidora.
Nagugulat nga si Wally dahil marami raw talaga ang nagri-react at nagagalit sa kanya dahil sa pang-aapi niya sa AlDub (Alden Richards-Yaya Dub) tandem.
“Kailangan iba kami rito,” pakli naman ni Jose. Pero kagaya ng Eat Bulaga, anything goes din daw sila sa Sunday PinaSaya dahil minsan doon na raw lumalabas ang mga katatawanang ginagawa nila.
PAK: Sabi ni young actress, naka-move on na raw siya sa breakup nila ni young actor na ka-loveteam din niya noon. Kaya okay lang daw na magsama sila sa isang project.
Kaya natuloy naman ang isang drama series na pinagsamahan nilang dalawa. Sabi nila, nanatiling friends naman daw sila.
Pero nung nakaraang linggo ay magkasama sila sa taping ng isang drama anthology.
Pagdating daw ni young actor sa set, nag-walk-out si young actress.
Nagulat ang buong staff kung bakit walk-out ang drama ni young actress. Iyun pala, nakita raw niyang may kasamang girl si young actor. Kilala raw ni young actress ang girl na kasama ni young actor at ito yata ang ipinalit sa kanya. Hindi raw kinaya ni young actress nang nakita si girl, kaya nag-walk-out ito.
Ilang sandali, bumalik naman daw siya dahil pinakiusapan ito nang husto dahil maapektuhan ang kanilang taping kung ‘di na sila babalikan ni young actress.
BOOM: Hanggang Biyernes na lang daw ang lamay ng pinatay na miyembro ng Masculados Dos na si Ozu Ong.
Wala pang sagot sa amin si direk Maryo J. delos Reyes kung kailan ang libing ni Ozu.
Pero hanggang sa ngayon ay iniimbestigahan pa rin ang nangyari kay Ozu kung saan tinangay ang kotse nito.
Ayon sa initial reports ng mga pulisya ng Angono, Rizal parang kilala raw ni Ozu ang pumaslang sa kanya.
May nakasaksi raw na nakitang bumaba pa si Ozu ng kotse at nakipag-usap sa isa sa mga bumaril sa kanya.
Sobra dinamdam ng Masculados Dos ang pagkawala ng isang miyembro, at mami-miss daw nila ang napaka-energetic na performance ni Ozu.
Ang mga labi ni Ozu ay nakaburol sa Chapel B ng Transfiguration of Christ Parish Church, sa Antipolo City.
- Latest