Snooky aminadong nagpagalaw ng mukha kaya bumata
MANILA, Philippines – Isa pa rin sa may pinakamagandang mukha sa showbiz si Snooky Serna.
Kahit na ilang dekada na siya bilang artista, hindi pa rin kumukupas ang ganda niya.
Thankful si Snooky sa kanyang yumaong inang si Mila Ocampo dahil sa good genes nito. Maalaga rin daw siya sa kanyang sarili dahil alam niyang puhunan ng mga artista ang hitsura nila.
“My late mom really has good genes. Even when my mom was 50 na, she still looked like she was only 40. Thankful ako na namana ko iyon from her.
“But I don’t rely on that alone. Kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. Mga artista ngayon, they are getting younger every year. Natural na patanda ng patanda ang mga roles naming mga veterans na kung tawagin.
“Salamat sa mga doktor ngayon dahil they keep us young-looking pa rin. Hindi naman porke’t mother role ka lang, kailangan maging losyang ka na. We all need to look good because we deserve it,” diin ni Snooky.
Gumaganap na ina ni Dennis Trillo si Snooky sa primetime teleserye ng GMA 7 na My Faithful Husband.
- Latest