Gary Dujali nagsalita sa future ng Media Agencies
MANILA, Philippines – Isa sa mga kagalang-galang na tagapagsalita sa nakaraang Asian Marketing Leadership Summit (AMLS) na pinamagatang 50 Shades of Marketing organized by the Philippine Marketing Association (PMA) si PLDT Vice President for Marketing Gary Dujali. Si Mr. Dujali ay siyang nasa likod ng pinakamahusay at pinakamatagumpay na campaigns ng PLDT HOME.
Pinakitaan niya tayo ng mga out of the box and effective campaigns tulad ng PLDT MyDSL’s “Ana Banana” at “Ask Diege” na ginawaran ng maraming parangal dahil sa angking kahusayan at kakaibang konsepto nito - mga campaign na siguradong tatatak sa isipan ng lahat ng manonood. Lingid sa kaalaman ng ilan na siya ay isa sa 50 prestigious resource speakers ng kani-kanilang respetadong larangan (multi-national at local corporations). Siya ay nagsalita at tinalakay ang temang – Future of Media Agencies
Simple lamang ang mensahe ni Mr. Dujali. Tinutukan niya ang limang pangunahing aspeto ng media agencies– relevant audience, beautiful data, invisible media, seamless media integration, at ang media creation as opposed to media buying.
Sabi ni Mr. Dujali, “we, as marketers, cannot think in a linear fashion anymore.” Isang paalala na isang sugal ang pagkakaroon ng ganoong klaseng pag-iisip
“In a sea of change, it is either we sink, or we swim,” dagdag pa niya.
Ang naturang summit ay ayon sa inspirasyong maisakatuparan ang mantrang “To submit and be in control thereafter.” Hangad ng Philippine Marketing Association na makamit ang interest ng bawat brand marketer at makapagbigay ng kasiyahan sa bawat consumers.
- Latest