^

PSN Showbiz

AiAi walang pakialam sa pagiging ampon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang magiging laban ng bagong magsisimulang comedy-variety-game show na Sunday PinaSaya ng GMA sa mala-institusyon nang ASAP ng ABS-CBN na 20 taon nang namama­yagpag sa ere?

Kung halos lahat ng mga Kapamilya stars and talents ay nagsasama-sama tuwing linggo sa ASAP, piling-piling Kapuso stars naman ang magkakasama sa Sunday PinaSaya na nakatakdang magsimula sa ere sa darating na Linggo, August 9 na sina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Valeen Montemayor, at Jerald Napoles.

Speaking of AiAi, hanggang ngayon ay naba-bash pa rin siya sa kanyang pagtulong sa young actor na si Jiro Manio na nakitang pakalat-kalat sa NAIA Terminal 3.

Bukal sa puso ni AiAi ang kanyang ginagawang pagtulong kay Jiro na itinuturing niyang anak-anakan magmula nang ito’y kanyang makasama sa tatlong franchise ng Tanging Ina movie series.

Willing din si AiAi na ampunin ang actor kung kinakailangan. Hindi issue kay AiAi ang salitang ampon dahil ampon din siya ng kanyang namayapang tiyahin na siya niyang nakagis­nang ina.

Tiyuhin din ni Jiro ang kanyang kinagis­nang ama na si Andrew Manio.

Since may lead na sa biological father ni Jiro na si Yusuke Katakura sa Japan, ito ang next na aayusin ni AiAi para magkita at magkakilala na ang mag-ama kapag nakalabas na ng rehab facility ang aktor sometime in December.

Masaya ang mga anak ni AiAi na sina Sancho, Nicolo, at Sofia sa ginagawang pagtulong ni AiAi kay Jiro.

Jennylyn kapos ang oras sa anak

Kamukhang-kamukha ng actor na si Patrick Garcia ang kanyang panganay na anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Kahit may sarili nang pamilya si Patrick ngayon, may time rin siya kay Alex Jazz, now 6 years old.

While Jennylyn is guilty sa kanyang kakulangan sa oras para sa kanyang anak dahil sa pagiging sobrang busy niya sa trabaho at itinayong negosyo. The singer-actress spends quality time with her son kapag may oras siya.

Ultimo araw ng Linggo ay may trabaho si Jennylyn kaya umaasa siya na magkaroon siya ng free time para sa kanyang anak.

Si Jennlyn na yata ang pinakabising singer-actress sa Kapuso Network dahil may dalawang movie itong ginagawa – ang The Prenup movie ng Regal na pinagtatambalan nila ni Sam Milby at ang Walang Forever na pinagsasama­han naman nila ni JM de Guzman at isa sa mga kalahok ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Meron din siyang bagong tele­serye, ang My Faithful Husband  kung saan niya mu­ling kapareha ang kanyang rumored na nakabalikang boyfriend na si Dennis Trillo. Magkakaroon din siya ng isang cooking show at reality show. Nariyan pa ang bago niyang itinayong salon and spa business sa may Kamu­ning, Quezon City.

Pero gaano mang ka-busy si Jennylyn sa kanyang trabaho at negosyo ay may nakalaan siyang oras para sa anak na si Alex Jazz at maging sa kanyang sarili.

ACIRC

AIAI

ALDEN RICHARDS

ALEX JAZZ

ANAK

ANDREW MANIO

ANG

JENNYLYN

JIRO

KANYANG

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with