Erich at Daniel hinuhulaang magkakasawaan din?!
Hindi na mahihirapan ang ABS-CBN na ibenta ang loveteam nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga dahil super sweet pa rin sila in real life maging sa kanilang respective social site accounts.
Ang tambalang Erich at Daniel ay unang nakita ng mga manonood sa nagtapos na seryeng Two Wives pero mas lalo umano silang mamahalin ang tambalan sa bago nilang serye na sila mismo ang mga pangunahing bituin, ang Be My Lady na malapit nang matunghayan.
Dahil sa pagiging super in love ngayon nina Erich at Daniel, natatakot tuloy ang iba na baka magkaroon ng sawa factor ang kanilang bagong relasyon at ito’y mauwi sa hiwalayan.
Mga anak ni Jose Mari Chan nagpapaka-showbiz na
Bihirang lumabas sa telebisyon ang mga anak ng music icon na si Jose Mari Chan. Last Friday evening sa taping ng long-running late night show na Walang Tulugan with the Master Showman ay naging panauhin naming sa Celebrity Talk segment ng programa ang dalawa sa mga anak ng hitmaker-composer at businessman na si Jose Mari Chan na sina Jose Antonio at Michael Philip na tulad ng kanilang sikat na ama ay pareho ring talented singers-composers.
Gaano man kayaman ang kanilang pamilya, never na naging spoiled ang mga anak ni Jose Mari Chan at minana ng mga ito ang pagiging musical genius ng kanilang ama.
Never ding pinangarap ng Chan brothers na maa-outdo nila ang kanilang ama in terms of his achievements in life.
“We’re so proud of our dad. His achievements are more than enough inspirations for us his children,” ani Joe (Jose Antonio) na maraming mga kababaihan at mga gays sa studio ng Walang Tulungan ang kinilig.
- Latest