^

PSN Showbiz

Female personality at asawa, sini-share ang kayamanang namana sa mag-asawang inalagaan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang katapatan talaga at sinserong pagmamalasakit ay may kinauuwiang maganda at positibo. Ganu’n mismo ang nangyari sa isang babaeng personalidad na nang magdesisyong manirahan na sa ibang bansa ay namasukan bilang caregiver ng dalawang matandang Puti. Matagal na panahon niyang inalagaan ang mag-asawa. Lahat ng pangangailangan ng mga ito ay siya ang gumagawa. Minahal niya ang matatanda na parang sariling lolo at lola niya.

Walang anak ang mag-asawang Puti. May mga kamag-anak man sila ay wala namang panahon ang mga ito na dalawin man lang ang mag-asawa.

Nang mag-asawa ang female personality ay silang mag-asawa na ang magkatuwang na nag-alaga sa matatanda. Lahat-lahat, silang mag-asawa ang gumanap para mabigyan ng magandang buhay ang mag-asawa, parang isang pamilya na sila.

Magkasunod na namatay ang matatanda. Nauna ang lalaki, sumunod ang babae, nagluksa ang mag-asawa sa pagkawala ng kanilang mga alaga. Ipinagbigay-alam nila sa mga kamag-anak ng matatanda ang nangayari pero walang sinumang tumawag pabalik sa kanila.

Isang araw ay ipinatawag sila ng abogado ng mag-asawang matanda. Ang nakasulat sa last will and testament ng mga ito—lahat-lahat ng kanilang mga ari-arian at naiwanang pera sa banko ay buung-buo nilang ipinamamana sa mag-asawang Pinoy na nag-alaga sa kanila.

Nagbunga ang labinglimang taong ipinagserbisyo ng mga kababayan natin sa mag-asawang Puti. Ngayon ay may negosyo na sila sa Amerika, nakapagtapos na sa pag-aaral ang kanilang mga anak, hindi na sila maghihirap kailanman.

Bilang pasasalamat at pag-alala sa kabutihan ng puso ng mag-asawang matanda ay nagtayo ng foundation ang female personality at ang kanyang mister.

Kinukupkop nila ang mga caregivers na walang trabaho, hindi lang limitado sa mga Pinoy ang kanilang pagtulong, iba’t ibang lahi ang tinutulungan nila sa kanilang foundation.

Hindi gaanong nagningning ang bituin ng babaeng personalidad nang pasukin niya ang showbiz. Sa isang pelikula ng isang pinakasikat na aktres nu’ng kanyang panahon ay naging kasambahay pa nito ang female personality.

Ngayon ay baligtad na ang sitwasyon. Siya na ang puwedeng kumupkop sa dating sikat na sikat na aktres na walang kinauwian ang buhay at karera.

Ubos!

AiAi hindi bumabagsak kahit sandamakmak ang bashers

Masaya at masarap ang bawat gising ngayon ni AiAi delas Alas. Ibang-iba ang ligayang hatid ng isang busilak na pusong nagmamahal nang walang kundisyon.

May mga bashers pa rin ang Comedy Concert Queen pero ni hindi mangangalahati ‘yun sa mga papuring ibinibigay sa kanya ng mga taong nakakaalam kung ano ang laman ng kanyang puso.

Inuulit namin, maraming personalidad na sobra-sobra ang pananalapi, pero iilan lang sa kanila ang may kakayahang tumulong nang walang hinihintay na kahit anong kapalit.

Sa isang umpukan ay naging paksa si AiAi. Maraming kuwentong lumutang. Nu’n lang namin nalaman ang kabusilakan ng puso ng komedyana sa kanyang mga kamag-anak. Para pala siyang pulitikong maraming scholar.

Buwan-buwan ay siya mismo ang nag-aayos sa pangmatrikula ng mga bata, sa mga pangangailangan ng mga ito sa eskuwelahan, sa sobra niyang kaabalahan ay siya pa mismo ang tumututok sa kapakanan ng mga taong sinusuportahan niya ang edukasyon.

Hindi niya ‘yun ipinagmamakaingay, ni wala siyang pinagsasabihan, ang mga tao mismong binibiyayaan niya ang nagmamalaki para ipagsigawan sa buong mundo ang kabutihan ng puso ni Martina Eileen delas Alas.

Sabi ng katabi naming kaibigan, “Kaya naman pala hanggang ngayon, e, nandito pa rin si AiAi. Kaya naman pala kahit anong paninira at pambabagsak ang gawin sa kanya, e, nakatayo pa rin siya.

“Mahirap kalabanin ang taong may magandang puso. Masasaktan lang siya, pero kakampi niya ang Diyos,” makabuluhang komento ng aming kaibigan.

Mismo!

ACIRC

ANG

ASAWA

COMEDY CONCERT QUEEN

ISANG

KAYA

LAHAT

MAG

MGA

PUTI

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with