Francis Tolentino tagumpay sa Shake Drill
Marami ang nakilahok sa isinagawang Metro Manila shake drill kahapon (Huwebes) ng umaga sa pamumuno ng MMDA at ni Chairman Francis Tolentino. Mahirap maisagawa ‘yon dahil malawakan at masyadong matrabaho, pero in fairness sa MMDA chair, matagumpay niyang naisagawa ang paghahanda sa mga tao kapag nangyari ang the Big One. But more than the preparation dapat hindi matigil ang pagdarasal ng mga tao sa Diyos para hindi na ito mangyari in our lifetime, pero dapat kakambal ng pagdarasal ang pagpapakabuti in the true sense and meaning of the word. Amen.
Drew gusto pang i-enjoy si Iya
Pinaplano pa nina Drew Arellano at Iya Villania ang pagbubuntis ng huli. Marami na kasi ang nagtatanong kung kailan nila balak na magsimulang magpalaki ng pamilya, eh medyo matagal-tagal na rin silang kasal.
Pero sinabi ng dalawa na gusto pa nilang i-enjoy ang isa’t isa. Kung masusunod ang plano nila, next year pa nila gustong magkaanak, pero kung mabubuntis na si Iya ngayon, wala itong magiging problema sa kanila.
Ipinagbubuntis ni Pokwang nakakahinayang kung totoong nalaglag
Nakunan nga ba si Pokwang? Ito ang malakas na bulung-bulungan ngayon tungkol sa komedyante at sa boyfriend niyang Kano na si Lee O’Brien. Sayang dahil baka kung natuloy ang pagbubuntis ni Pokwang ay mas naging matatag pa ang relasyon nila ng dyowang Kano. Sayang talaga.
- Latest