^

PSN Showbiz

Atom tatalakayin ang hit and run

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ano ang dapat mong gawin kapag may big­lang na-hit and run? Iyan ang tatalakayin ni Atom Araullo ngayong Miyerkules (July 29) sa Red Alert.

Hindi lang perspektibo ng saksi ang ihahain ni Atom, kung hindi pati na rin sa biktima o driver na nakabangga. Ano nga ba ang mas mainam na gawin? Ano ang pananagutan ng isang tao sa ganitong uri ng sitwasyon?

Sasariwain din sa epi­sode ang kuha ng isang CCTV camera sa Tomas Morato sa Quezon City kung saan nasagasaan ng isang taxi driver na napakatulin magpatak­bo ng sasakyan ang tatlong tao kabilang na ang isang lola.

Muling nagbabalik ang Red Alert para ihanda ang mga manonood sa pinakamalalang mga sit­wasyon o trahedya sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at kaalamang maaring makasagip sa kanilang buhay pati na rin sa buhay ng iba.

Pakatutukan ang Red Alert tuwing Miyerkules sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

ACIRC

ANG

ANO

ATOM ARAULLO

IYAN

KAPAMILYA GOLD

MIYERKULES

PAKATUTUKAN

QUEZON CITY

RED ALERT

TOMAS MORATO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with