^

PSN Showbiz

Male personality alahas at milyones na pang-shopping ang panuhol sa misis tuwing nag-aaway

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang mga kuwentong pinagpipistahan sa iba-ibang umpukan tungkol sa mag-asawang personalidad na sikat sa kanilang sariling hanay. Nakakaaliw na nakakawindang ang mga istoryang kinapapalooban nila.

Natural lang na dahil limpak-limpak na salapi ang meron ngayon ang mag-asawa ay may mga hindi kagandahang impluwensiyang nakapaligid sa kanila. Lalo na sa lalaking personalidad na matagal na panahong pinagdamutan ng kapalaran sa usapin ng pananalapi.

Halos lahat ng bisyo ay pinasukan nu’n ng lalaki. Babae. Sugal. Alak. May mga nagpayo sa kanya na itigil na ang kanyang mga bisyo, pero walang pinakikinggan nu’n ang male personality, katwiran nito ay ngayon lang naman dumating sa kanya ang pagkakataong makapamuhay-hari.

Dahil du’n ay palagi silang nag-aaway ng kanyang misis. Kontrang-kontra ang babae sa mga bisyo ng kanyang mister, galit na galit siya sa mga kaibigan nito, hindi niya pinapansin ang mga kaibigan ng kanyang asawa kapag pumapasyal sa kanilang bahay.

Pero may bentahe kay misis ang kanilang pag-aaway, marunong humimas ng pusong sugatan ang kanyang mister, kapag nagkakaroon sila ng alitan ay binibigyan siya nang milyunan ng male personality para mag-shopping.

Bukod du’n ay ang lalaki pa ang kumokontak sa mga kaibigan nilang jeweler. Pinapupuntahan nito ang kanyang misis, papiliin siya ng alahas na gusto niya, sky is the limit at ito ang magbabayad.

Natural, tuwang-tuwa naman ang mga alahera, instant benta nga naman ‘yun. Tuwang-tuwa rin si misis dahil male-maleta na ang mga naiipon niyang jewelry, tuwing nag-aaway sila ay dagdag ‘yun nang dagdag at walang bawas, parang mas gusto nga yata niyang nag-aaway silang mag-asawa dahil mas dumadami ang kanyang koleksiyon.

Pero tapos na ang kuwentong ‘yun. Nagising na sa katotohanan ang lalaki. Iwas na iwas na ito ngayon sa mga bisyo at nagpakadiretso na sa buhay.

Tapos na rin ang pangongoleksiyon ng mga alahas ni misis, hindi na kasi sila nag-aaway ngayon, kaya goodbye mga alahera na rin ang kanyang drama.

Ubos!

Phillip may rason, James walang kawala sa sustento kay Bimby

Sa kahit anong interbyu ni Phillip Salvador ay hindi niya minsan man sinabi na nakapagbibigay siya ng suportang pampinansiyal kay Joshua. Aminado naman si Kuya Ipe na wala siya sa sitwasyong dapat gawin ng isang ama sa kanyang anak.

Panay-panay nga ang papuri ng action star kay Kris Aquino dahil mag-isa lang na itinataguyod ng actress-TV host ang mga espesyal na pangangailangan ng kanilang anak. Walang kuwestiyon du’n.

Hindi ikasasama ng loob ng aktor ang katotohanan. Siya pa nga ang umaamin sa kanyang mga pagkukulang sa dapat sana’y mga obligasyong ibinibigay niya kay Josh.

Ewan lang kung ganu’n din ang magiging dating kay James Yap ng rebelasyon ni Kris na wala ring tinatanggap na suporta mula sa sikat na basketbolista ang kanilang anak na si Bimby.

Nu’ng kasagsagan ng kanilang pagkakasuhan, sa pagkakaalam ng marami ay inayos na rin nila ang magiging sustento buwan-buwan ni James para sa kanilang anak, hindi kaya sinunod ni James ang pinirmahan nilang kasunduan sa korte?

Si Kuya Ipe ay aminadong kapos, pero si James Yap ay kumikita nang milyones bilang star player ng kanyang team sa PBA, ano kaya ang naging problema at sinasabi ngayon ni Kris na walang tinatanggap na sustento si Bimby mula sa kanyang ama?

Ang obligasyon ay obligasyon. Kumikita man nang milyones si Kris Aquino at kaya man nitong pakainin nang walong beses sa maghapon ang kanyang mga anak ay dapat suportahan ng kanilang mga ama ang magkapatid.

‘Yun ang itinatakda ng batas. Kasal man o hindi ang magkarelasyon, basta may paraan, ay kaila­ngang sinusustentuhan ng ama ang kanyang supling.

ACIRC

ANG

BIMBY

HINDI

JAMES YAP

KANILANG

KANYANG

KRIS AQUINO

KUYA IPE

MGA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with