^

PSN Showbiz

Myrtle hiwalay na sa anak ni Sen. Grace Poe

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagkahiwalay na sina Myrtle Sarrosa at anak ni Senator Grace Poe-Llamanzares na si Bryan Llamanzares. Tatlong buwan na ang nakalilipas nang maghiwalay ang dating magkasintahan. “We’re just two good people, na right now it’s not the proper timing for us. So parang we needed time to grow din for ourselves. Siguro kailangan din namin ng time for work,” bungad ni Myrtle.

Si Bryan daw ang kauna-unahang na­ging kasintahan ng dalaga kaya talagang ikinalungkot niya ang pagkawala nito. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? “Ngayon ayaw ko na muna. Parang I’m hurt too much para maka-think na magkakabalikan pa kami,” giit ni Myrtle.

Nakatulong sa pag-move on ng aktres mula sa breakup ang pagkakaroon ng mga proyekto. “Right after the breakup, everyday ‘yung work ko. So hindi ko naramdaman ‘yung full na sakit. Kasi instead malungkot ako sa love life ko, blessed ako ni God. So when God took away something na very sad for my life, ni-replace niya with so much work,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Samantala, kasama si Myrtle sa all-girl group na Star Magic Angels na inilunsad noong isang linggo. “I’m very flattered kami na ‘yung generation ng Star Magic and this time around gumawa na kami ng isang circle na instead of puro love teams, this time naman ‘yung mga babae na confident with themselves. Sexy and empo­wered and who really believe in themselves,” nakangiting  pahayag ni Myrtle.

Joshua nangatog ang tuhod kay Vina

Masayang ibinalita ni Joshua Garcia na extended ang kanilang teleserye nina Jane Oineza, Loisa Andalio, at Jerome Ponce na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Napapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN ang nasabing proyekto na nag-extend pa ng isang season ngayon. “Nagpapasalamat po ako talaga sa ABS-CBN dahil pagkatapos ng PBB (Pinoy Big Brother), binigyan ako ng ganitong project. Hindi ko po ini-expect na ganito ‘yung kalalabasan ng program namin,” pahayag ni Joshua.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng baguhang aktor ang isang eksena nila ni Vina Morales na umabot sa 21 takes. “Hiyang-hiya po ako talaga noon. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, natatakot ako kapag kaeksena ko ‘yung mas senior sa akin kaya gano’n. Medyo nai-intimidate din po ako. Pero buti na lang, kay Miss Vina na rin nanggaling na kahit paano nag-improve na ako,” kuwento ni Joshua.

Malaki na raw ang ipinagbago ng binata pagdating sa pag-arte. “Siguro dahil din po sa mga natutunan ko sa mga co-actors ko kaya gano’n. Siyempre sa workshop, habang tumatagal din po nasasanay ako lalo na kapag tumatatak na sa akin ‘yung character ko,” pagtatapos ni Joshua. Reports from JAMES C. CANTOS

ACIRC

AKO

ANG

BRYAN LLAMANZARES

JANE OINEZA

JEROME PONCE

JOSHUA GARCIA

KAPAMILYA GOLD

LOISA ANDALIO

MISS VINA

NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with