Mabilis ang aksyon kay Chris Brown DOJ Sec. Leila de Lima nagpapabango sa INC?!, Liza at Enrique showbiz na showbiz ang relasyon, gaya-gaya kina Kim at Xian
SEEN: Iniuugnay sa 2016 elections ang mabilis na aksyon ni Department of Justice Secretary Leila de Lima sa reklamo ng Iglesia Ni Cristo laban sa American singer na si Chris Brown na pinigilan ng Bureau of Immigration and Deportation na makalabas ng Pilipinas dahil sa hindi niya pagsipot sa kanyang concert sa Philippine Arena noong December 31, 2014.
SCENE: Mali ang balita ng U.S. entertainment website na tmz.com na nakatakas sa Pilipinas si Chris Brown noong Huwebes.
SEEN: Xian Lim-Kim Chiu Part 2 sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil showbiz na showbiz na rin ang kanilang mga sagot sa mga tanong tungkol sa kanilang loveteam.
SCENE: No show kahapon sina Sharon Cuneta at Jed Madela sa appreciation at thanksgiving lunch ng ABS-CBN para sa host, judges, contestants, at production staff ng Your Face Sounds Familiar.
SEEN: Ngayon ang 27th birthday ni Sarah Geronimo na nagkaroon ng advance birthday celebration noong Huwebes, kasama ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli. Sponsor si Dra. Vicki Belo ng advance at intimate birthday party ni Sarah.
SCENE: Sa August 1 ang coronation night ng Queen Philippines sa Waterfront Hotel, Cebu City. Para sa transsexual women ang beauty pageant at 25 ang official candidates na mas magaganda kesa mga tunay na babae.
SEEN: Nakaiwas sa aresto ang businessman na si Cedric Lee nang dumating siya kahapon sa Sandiganbayan at nagpiyansa ng P70,000 para sa pansamantala na kalayaan. Ipinag-utos ng Sandiganbayan na arestuhin si Cedric dahil sa kaso ng graft at malversation. Out on bail si Cedric dahil sa pambubugbog niya kay Vhong Navarro noong January 2014.
SCENE: Ngayong gabi ang grand finals ng 4th Philippine Popular Music Festival sa Meralco Theater. Ilan sa mga song interpreter sa PhilPop 2015 sina Jon Santos, Nadine Lustre, James Reid, Lara Maigue, at Kean Cipriano.
- Latest