^

PSN Showbiz

Pananatili sa U.S. ni Gab nagkaroon ng silbi

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nagbubunga naman ang pananatili ni Gab Valenciano sa U.S. Nominado ito for Best Choreography sa MTV Music Video Awards dahil sa naging tulong niya kay Beyoncé na nominado for her 7/11 music video. Bongga ang anak ni Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Congrats!

Julie Anne handang sumuko kay Alden

Napaka-propesyonal naman nina Julie Anne San Jose at Alden Ri­chards para pumayag na magkasama sa trabaho kahit pa malakas na ilangan ang namamagitan sa pagitan nila. Katunayan, willing si Julie Anne na makipag-usap dito para lamang mawala ang pagkailang nila sa isa’t isa.

Sana naman si Alden na ang gumawa ng first move para sila maging magkaibi­gang muli ni Julie Anne.

Aljur hindi na pinag-iinteresan ni Kylie

Maganda rin ang opinyon ni Kylie Padilla sa naging paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica. Naniniwala siya na kahit break na sila ng actor ay kailangang maging friends pa rin sila. Pero ‘yung balikan ay ayaw niyang i-consider.

Okay lang na friends lang sila. Walang problema, ‘di ba? Ang mahalaga, friends sila at hindi enemies.

Angeline mas pinili ang pagkanta

Sayang naman at hindi na magagawa ni Angeline Quinto ang serye na pagbibidahan ni Coco Martin sa TV at remake ng isang movie ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) na Ang Probinsyano.

Hindi kasi nagtugma ang schedule ng taping nito at schedule niya bilang singer. She had to choose one and she chose her music. Oh, well. Sa buhay natin, minsan kinakailangan nating mamili.

ACIRC

ALDEN RI

ALJUR ABRENICA

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELI PANGILINAN

ANGELINE QUINTO

BEST CHOREOGRAPHY

COCO MARTIN

JULIE ANNE

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with