Kilikili ni Ina Raymundo pinagkaguluhan sa social media
MANILA, Philippines – Usap-usapan ngayon ang kilikili ni Ina Raymundo matapos siyang magpost sa Instagram ng larawan niya na naka one-piece swimsuit at nakataas ang kaliwang braso.
Ilang followers ni Ina ang nagcomment at pumuna sa kanyang kilikili at nagsabing maitim ito.
Sinabi ng isang netizen na "Pa-Belo kayo ng underarm sis ang itim oh.”
Ikinagulat ng lahat ang pagsagot ng sexy actress sa mga nang okray sa kanyang kilikili at sinabing: “Sige nga patingin ng mga kili-kili nyo. Hiyang-hiya naman ako.”
Bukod sa mga pumuna ng kanyang kilikili, marami ang pumuri sa nananatiling kaseksihan ni Ina sa kabila ng pagkakaron ng limang anak.
Muling nagbalik sa showbiz si Ina matapos ang ilang taong pananahimik kasama ang kanyang pamilya.
- Latest