Lea, Heart, Anne at Toni inspirasyon sa maraming Pinay
MANILA, Philippines – Isang sikreto kung bakit napakaganda at blooming pa rin ni Heart Evangelista kahit sobrang busy siya ay ang kanyang pagiging maalaga sa katawan lalo na sa kanyang balat at buhok. “I make sure to condition my hair everyday, lalo na sa tips”, maikling pag-amin at pagbibigay tip ngayong summer ng bagong kasal at misis ni Sen. Chiz Escudero.
Hindi maikakaila na bukod sa pagiging isang aktres at TV host, may extra-ordinary talent din siya sa pagpipinta. Umabot pa nga sa Singapore ang latest painting exhibit niyang Love Marie na ginanap noong Enero 9 ng taong ito sa Chan Hampe Gallery ng iconic Raffles Hotel sa Singapore.
Kaya naman isa si Heart sa apat na world-class Filipina na kinuha ng nangungunang Hair Care brand ng bansa, ang Cream Silk para i-feature sa kanilang bagong campaign - #WorldClassFilipina advocacy ng Cream Silk na naglalayong maka-inspire sa mga Pinay na makamit ang limitless possibilities.
Proud si Heart na 17 years na siyang kabilang sa Cream Silk family at nakasama na niya ito maging noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz hanggang ngayon na may asawa na siya.
Ilan pa sa mga featured world-class at beautiful and successful Filipinas na kasama ni Heart ay ang princess of all media na si Anne Curtis, multi media star, Toni Gonzaga at ang multi-awarded performer na nagkamit na ng Tony award, Ms. Lea Salonga.
Speaking of Lea, makapanindig-balahibo ang video clip niya na ipinalabas sa launch ng #WorldClassFilipina sa 2nds restaurant in Bonifacio High Street sa Taguig, hosted by Gretchen Fullido last Friday. Ang lakas kasi ng impact ni Lea at nakaka-proud talaga ang kanyang pang-world-class na galing. Matatandaang nakilala siya sa buong mundo sa pagganap niya bilang Kim sa Broadway musical na Miss Saigon. Kabilang din siya sa musical na Les Miserables at isa na siyang Disney Legend dahil sa pagkanta sa mga character ni Princess Jasmine sa Aladdin at ni Mulan.
Bilang parte naman ng nasabing advocacy, magkakaroon ito ng official launching sa pamamagitan ng isang short film titled Cream Silk Portraits: Stories of World-Class Filipinas. Dito nga tampok ang life stories nina Heart, Anne, Toni, at Lea. Bahagi rin sa short film ang kanilang pagsisimula at struggles pati na rin mga tagumpay sa kanilang mga career at buhay.
At para mas maging tunay na pang-world-class ang nasabing short film, nasa likod nito ang internationally acclaimed director na si Marie Jamora. Si Direk Marie ay nakilala sa kanyang international award-winning films tulad ng Ang Nawawala na unang napanood sa 2012 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Nakilala rin siya sa international scene dahil naipalabas ang kanyang mga obra sa Slamdance Filmfest, Hawaii International Filmfest at Los Angeles Asian Pacific Filmfest.
Ang Cream Silk Portraits: Stories of Word-Class Filipinas ay may premiere sa ABS-CBN at GMA-7 sa April 26, 2015 na mapapanood sa buong bansa.
- Latest