Heart natutong maging ina araw-araw
Sa grand opening ng Uncle Tetsu Cheese Cake sa ground floor ng SM Megamall A (na ang local franchisor ay si G. Walter Co) kung saan ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista ang nag-cut ng ribbon, inamin ng huli na hanggang ngayon daw ay nasa honeymoon stage pa rin sila ng kanyang husband considering na magda-dalawang buwan na silang kasal at nagsasama bilang mag-asawa.
Since parehong busy sa kanilang respective careers ang dalawa, hindi na nila nakuha pang mag-honeymoon sa ibang bansa although paalis sila this week patungong Japan para magbakasyon and maybe for their delayed honeymoon.
Ayon kay Heart, each day ay may natututunan siya sa pagiging mag-asawa nila ni Sen. Chiz.
Kahit wala pa silang anak ng kanyang mister, unti-unti na ring natututo si Heart sa kambal na anak ng senador (sa dating asawang si Christine Flores) na sina Ma. Cecilia at Joaquin na itinuturing din niyang mga anak.
Winwyn hindi alam kung susubok uling magbinibini
Kakaibang karanasan para kay Winwyn Marquez ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas dahil marami umano siyang natutunan.
Pero hindi pa rin sigurado si Winwyn kung muli siyang sasali sa Bb. Pilipinas o ibang beauty pageant next year tulad nang ginawa ni Mary Jane “MJ” Lastimosa na tatlong beses sumali sa Bb. Pilipinas bago niya nasungkit ang Bb. Pilipinas-Universe crown last year.
- Latest