Ara dinisesyunan na ang pag-aartista ng anak
Sinabi ni Ara Mina na hindi niya pipilitin na mag-artista rin ang kanyang anak na kabibinyag lamang. Obvious na ayaw niyang maranasan ng kanyang panganay ang hirap na pinagdaanan niya nung nagsisimula pa lamang siyang mag-artista.
Oh eh, ‘di mabuti naman. At saka hindi lang naman siya ang may desisyon nito? Desisyon din ito ng ama ng bata na si Bulacan Mayor Patrick Meneses.
GMA mabait pa kay Aljur
Ang bait naman ng GMA para bigyan muli ng pagkakataon si Aljur Abrenica na magka-project at ma-expose sa kanilang network. Kung sa ibang network ay baka amagin na ang aktor sa paghihintay dahil sa ginawang pagdidemanda ni Aljur sa istasyon.
Pero dahil Kristyano nga kung kaya they’re giving him a second chance. Kaya ikaw Aljur matuto ka na!
- Latest