^

PSN Showbiz

Everyday may OOTD... BF ng aktres parang bading kung umasta!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Metrosexual or bading agad ang isang lalaki ‘pag everyday nagpo-post sa kanyang Instagram account ng outFIT of the day (OOTD)?

Pinagdedebatehan kasi ngayon kung normal ba sa isang lalaki ang idini-display pa ang mga sinusuot nilang damit. May nagsasabing, bakla na agad. May iba naman, sinasabing metrosexual lang pag ganun ang attitude ng isang lalaki.

Kung bakit naman kasi ganito ang drama ng isang baguhang actor na may girlfriend na aktres. Wala siyang naging habit everyday kundi ang i-post ang kanyang suot. Laging caption niya lang, OOTD.

Wala pa siyang napapatunayan sa showbiz kaya hindi pa gaanong kilala. Pero ang girlfriend niya ay aktres na hindi naman nawawalan ng assignment.

Sam mas bagay na maging singer kesa maging dancer

Hindi bagay maging maskulado si Sam Concepcion. Masyado siyang maliit parang maging batu-bato ang katawan niya.

Kahapon ay kasama siya sa production number ng ASAP at kahit anong hataw niya sa pagsayaw alanganin ang kanyang galaw.

Mas maigi sigurong mag-concentrate na lang siya sa pagkanta.

EB pahinga muna sa pamimigay ng pera

Pahinga muna ang Eat Bulaga sa pamimigay ng pera at pagpapaligaya ngayong Kwarisma. Magda-drama muna ang mga host ng noontime show ng GMA 7.

Back to back na kuwento ng inspirasyon, pag-asa at kapupulutan ng aral ang handog ng programa sa anim na istoryang mapapanood simula ngayong Lunes Santo, Marso 30 hanggang Miyerkules Santo, Abril 1, alas-dose ng tanghali sa GMA Network.

Pagbibidahan nina Nova Villa at Keempee de Leon ang episode na Biro ng Kapalaran ngayong Lunes Santo. Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong magkalayo ang agwat ng edad. Kahit dumanas sila ng mga balakid sa pagmamahalan, kanilang ipinaglaban ang pag-ibig  na umabot hanggang langit.

Kasunod nito ang kuwento ng Pangako ng Pag-ibig nina Pauleen Luna, Rocco Nacino, Anjo Yllana. Luis Alandy at Jaclyn Jose.  Dumanas ng aksidente si Michael (Rocco) nang masunog ang kanyang mukha. Naging dahilan ito upang makadama ng kawalan ng pag-asa si Rose (Pauleen) sa kinakasamang lalaki. At nauwi sa hiwalayan ang kanilang samahan.  Subalit nangibabaw pa rin ang pag-iibigan sa isa’t isa kahit matapos ang mga pagsubok sa buhay na humantong din sa kanilang pag-iisang-dibdib.  Si Joey Javier Reyes ang director ng episode.

Sa Martes Santo, ang Lukso ng Dugo at  Pinagpalang Ama ang magkasunod na matutunghayan. Bida sa kuwento ang dati at kasalukuyang child wonder na nadiskubre ng Eat Bulaga, sina Aiza Seguerra at Ryzza Mae Dizon.  Magkapatid sina Aiza (Alex) at Ryzza (Micah)  na nabubuhay sa pangangalakal habang nakatira sa isang tiyahin. Pinalayas sila kaya napilitang tumira sa kalye.  Naghiwalay sila ng landas at nagsikap habang nasa Maynila. Subalit nanaig pa rin ang pagmamahal sa batang kapatid at mas pinili niyang samahan at kanlungin ang kapatid.

Isa namang light drama ng pagtanggap  ang kasunod na mapapanood sa  Pinagpalang Ama na pinagbibidahan ni Joey de Leon.  Kahit na nga ang dalawa (Jose Manalo at Wally Bayola) sa tatlo  niyang anak ay bading, isang malaking dagok sa pagkatao niya ang kanyang sinapit nang madiskubre ang sikreto ng paborito at bunso niyang anak (Ryan Agoncillo). Si Bb. Joyce Bernal ang nagdirihe ng episode na nagtatampok din kay Pilita Corrales.

Dalawang kuwento rin ang mapapanood sa Miyerkules Santo, ang Aruga ng Puso at  Sukli ng Pagmamahal. Pinagbibidahan ni Marian Rivera ang unang episode. Masaya silang namumuhay ng kanyang ina (Irma Adlwan) hanggang sa kapwa sila nawalan ng trabaho sa isang patahian. Nadagdagan pa ang problema nila nang atakihin sa puso ng ina. Napilitang pumasok na yaya ng dalagitang may kapansanan (Bianca Umali) si Vangie. Napabayaan niya ang kanyang ina pero nadagdagan pang lalo ang problema niya nang iwan sa kanya ng tiyuhin ang alaga kaya napilitan siyang itira ito sa kanilang tahanan.

Pinagbibidahan naman ni Vic Sotto ang episode na Sukli ng Pagmamahal na kinunan sa isang baryo sa Cebu. Isang huwarang guro ang role ni Vic (Greg) na higit na inuuna ang kapakanan ng kanyang estudyante bago ang sarili. Dinapuan ng sakit si Greg kaya napilitan siyang huminto sa pagtuturo at dahil na rin sa kakapusan ng perang pampagamot. Sa tulong ng pamilya at taong nagmamahal sa kanya, naipagamot si Greg at bumalik sa pagtuturo na masiglang-masigla na hindi inakalang ang pagmamahal na ibinibigay sa mag-aaral ay susuklian ng magandang kapalit. Tampok din sa episode sina Tito Sotto at Allan K at si Joel Lamangan ang director nito.                                                                  

AIZA SEGUERRA

ANG

EAT BULAGA

GREG

ISANG

KANYANG

LUNES SANTO

MIYERKULES SANTO

NBSP

PAG

PINAGPALANG AMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with