Mark hindi talaga type si Rachelle Anne
Mukhang walang nangyari sa panunukso kay Mark Bautista na tuluyan na nitong ligawan ang kanyang kaibigan at kasamahan sa Viva na si Rachelle Ann Go nung sila’y parehong nasa London.
Anim na buwan ding namalagi sa London si Mark para sa kanyang role sa Here Lies Love sa West End habang si Rachelle Ann naman ay nasa Miss Saigon.
Although nagkita at lumabas ang dalawa habang sila’y nasa London, walang ligawang nangyari kaya bumalik ng Pilipinas si Mark na loveless pa rin at ganoon din naman si Shin (palayaw ni Rachelle Ann) na ang huling nakarelasyon ay si John Prats na ikakasal na kay Isabel Oli ngayong Mayo.
Balik-Pilipinas si Mark upang ipagpatuloy ang kanyang singing at acting career.
Jay-R hindi nasayang kahit ‘itinapon’ sa SAS
Nang mag-reformat ang Sunday musical show ng GMA na Sunday All Stars, isa ang R&B Prince na si Jay-R (Sillona) ang nawala sa programa kaya nasaktan siya dahil isa siya sa mga original cast ng programa na nagsimula pa sa SOP, Party Pilipinas hanggang sa ito’y gawing Sunday All Stars. Ganunpaman, alam din ni Jay-R na walang permanente sa mundo ng showbiz kaya tinanggap niya ito nang maluwag sa kanyang dibdib.
Palibhasa’y multi-talented si Jay-R, hindi ito nawawalan ng trabaho at agad siyang nakahanap ng panibagong tahanan sa Kapamilya Network.
Bukod sa regular guestings sa noontime show na It’s Showtime at ASAP 20 at iba pang programa ng ABS-CBN, isinama si Jay-R sa bagong simulang Your Face Sounds Familiar along with 7 other known celebrities na nagi-impersonate ng iba’t ibang kilalang singers-performers mapa-local man o international stars. Katunayan, isa si Jay-R sa pinakamalakas sa nasabing patimpalak.
Bukod sa pagkanta at paghu-host, si Jay-R ay kilala rin bilang composer-arranger at record producer.
Although sa Amerika ipinanganak at lumaki si Jay-R (Gaudencio Sillona III in real life), sa Pilipinas siya nabigyan ng magandang break at nakilala.
Si Jay-R ay na-discover sa Amerika ng veteran choreographer-dancer na si Geleen Eugenio na siyang nagdala sa kanya sa Universal Records in 2003 at kasunod na rito ang pagiging mainstay niya ng SOP ng GMA kung saan niya nakuha ang tag na R&B Prince.
Lea at Aga naudlot NA NAMAN
Kahit babalik sa Broadway late this year ang Philippine pride na si Lea Salonga sa pamamagitan ng bagong Broadway musical play na Allegiance, tatapusin muna niya ang kanyang commitment bilang isa sa apat na coaches ng The Voice Kids na magtatapos in August this year.
Ang Sir Olivier at Tony awardee ay nagkaroon ng sold-out concert sa The Town Hall ng New York City, USA last March 14 na pinamagatang Kaleidoscope at dinaluhan ng may hindi bababa na 1,500 katao.
Ang 44-year-old Broadway diva ay may isang anak sa kanyang Chinese-American husband (of 11 years) na si Robert Charles Chien, si Nicole Beverly Chien.
Samantala, kailan kaya matutuloy ang reunion movie nina Lea at Aga Muhlach?
Kailan nga ba, Manay Ethel (Ramos) at Mommy Joy (Salonga)?
- Latest