Ruffa dinaig pa ng mga anak
Kakainggit naman ang dalawang girls ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice Bektas. At a very young age, marunong na silang magtrabaho at kumita ng sarili nilang pera. Take note, hindi ito sa pamamagitan ng pag-aartista. Ibang mundo ang ginagalawan nila na mabuti naman ay mundo rin ng kanilang ina, ang fashion world. Kamakailan lang ay nagkaroon sila ng Love 2 Collection fashion show.
Sabi nga, what you feed your children ay maaabsorb din nila. Lately, bihirang mag-artista ni Ruffa, pero never siyang nawala sa fashion world, lalo na bilang modelo. Na-imbibe niya ito sa kanyang mga girls. And look at them now, hindi lang sila modelo, nalamangan pa nila si Ruffa dahil nagdi-design na sila ng clothes. Mga damit na hindi lamang para sa mga kaedad nila kundi sa mas bata at mas nakatatanda sa kanila. Suwerte ni Rajo Laurel sa kanila.
Anak ni Andi hindi nagmana sa kanya
Marami ang nakakita sa anak ni Andi Eigenman na si Elle sa Love 2 Collection launch. Sayang at sobrang mahiyain ito kaya hindi nakasama sa mga batang rumampa na suot ang mga design ng Bektas sisters.
The little girl took after her mom at kung maga-guide ito ni Andi, puwede itong mag-artista o maging little fashion model din.
Angelina wala sa hitsura na may sakit
Napakaraming palang karamdaman ang dinadala ni Angelina Jolie and yet sa kanyang pagharap sa publiko ay wala tayong nababakas na anumang dinaramdam. Kaya gusto ko siyang papurihan sa lakas ng loob na kanyang ipinamamalas at sa pag-ampon niya ng mga bata na nangangailangan ng aruga. Iba talaga siya!
Derek delikadong tumaba
Sa wakas, may special someone na rin si Derek Ramsay. Hindi na siya mali-link sa kung kani-kaninong babae.
About time naman na magkaroon siya ng inspirasyon. May anak nga siya, pero malayo naman sa kanya. Buti naman at nakatagpo din siya ng mag-aalaga sa kanya. Balita ko masarap magluto ang girl at panay ang padala nito ng food sa aktor. Huwag lang niya itong patatabain at baka mawalan ito ng projects.
- Latest