^

PSN Showbiz

Wala kaming issue ni Alex Gonzaga – Vice Ganda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsalita na si TV host Vice Ganda sa isyu na may kompetisyon sa pagitan nila ni Alex Gonzaga.

Ayon sa mga ulat, kaya may concert ngayong taon si Vice dahil na-pressure siya sa nalalapit na “AG from the East: The Unexpected Concert” ni Alex.

"Para matuldukan na, wala po kaming issue ni Alex Gonzaga. Kami po ay matalik na magkaibigan," paliwanag ng komedyante sa presscon ng kanyang sariling concert na "Vice Gandang Ganda sa Sarili."

"Isa po ako sa mga unang tao na sumusuporta kay Alex Gonzaga. In fact nakakapag-promote siya sa mga programa ko. So kung may issue kami sana hindi na siya nakakapag-promote sa mga programa ko."

Maraming bagong gagawin si Vice sa kanyang May 22 concert sa Araneta Coliseum at isa na rito ang pagtayo sa stage na nasa gitna.

"Una po itong mangyayari, 'yong stage po nasa gitna ng coliseum, so mas madaling maki-interact sa mga tao. Hindi lang sa harap, pati mga nasa likod."

"Sisiguraduhin ko pa rin na masayang-masaya ang concert na 'to. 'Yong normal at natural na performance pa rin ni Vice Ganda ang makikita ninyo kasi 'yon ang hinahanap ninyo sa akin, 'yong hindi napapanood sa telebisyon. "

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ARANETA COLISEUM

AYON

ISA

MARAMING

UNEXPECTED CONCERT

VICE GANDA

VICE GANDANG GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with