^

PSN Showbiz

Magandang pangitain Mexican beer na supporter ni Pacman, wagi sa bidding

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Congressman Manny Pacquiao ang gusto ng mga Mexicano na manalo sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr., kahit tinalo niya noon ang mga sikat na Mexican boxer.

Therefore, mag-expect tayo na si Papa Manny ang susuportahan at tatanggap ng pinakamalakas na cheer mula sa Mexicans sa paghaharap nila ni Mayweather sa MGM Grand Arena sa May 2.

Take note, matindi rin ang rivalry ng mga sikat na beer company sa Mexico, ang Tecate at Corona.

Nagpatalbugan ang dalawang beer company na maging official drink ng Pacquiao-Mayweather fight.

Matagal nang sponsor ng mga laban ni Papa Manny ang Tecate at si Mayweather ang madalas na sinusuportahan ng Corona.

Nagkaroon ng bidding ang mga nasabing beer company at ang winner? Ang Tecate na loyal sponsor ni Papa Manny!

Halos anim na milyong dolyares ang gagastusin ng Tecate sa megafight nina Papa Manny at Mayweather dahil tinalo ng kom  panya sa beer war ang Corona.

Parang magandang sign o pangitain na ang beer sponsor ni Papa Manny ang nag-win sa bidding!

Dahil kay Moymoy Pinay bagsak sa Asia’s Got Talent

Napanood ni Sef Cadayona ang video ng pagsali sa Asia’s Got Talent ni Roadfill ng Moymoy Palaboy at ng vegetable vendor na si Felicitas Garcia.

Proud na proud si Sef sa walang gimik na performance nina Roadfill at Fe sa Asia’s Got Talent. Na-feel daw niya ang genuine partnership ng dalawa.

“Napakabait talaga ng ginawa niya para kay Lola Fe. Okay lang kay Roadfill na i-drop siya, basta makapasok sa Asia’s Got Talent si Lola Fe.

Isa sa mga hurado ng contest ang sikat na Ame­rican musician na si David Foster na gusto na magsolo na lang si Fe at huwag nang isali si Roadfill sa mga susunod na performance. Hindi pumayag ang matanda dahil nag-dialogue siya kay David ng “But he’s my partner.”

“No” ang ibinigay na boto ni David kina Roadfill at Fe dahil sa pagtanggi nito na magbabu sa kanyang kapareha.

Sef gaya-gaya kay Vic Sotto

Magkasama sa Bubble Gang sina Sef at Roadfill. Wala sa bokabularyo ni Sef ang sumali sa Asia’s Got Talent pero type na type niya na maging game show host gaya ng kanyang idol na si Vic Sotto.

“Gusto ko na nagpapatawa tapos, at the same time, may ibinibigay pabalik sa mga tao tulad ni Bossing Vic.

“Pero gagawin ko ‘yon kapag medyo matagal na ako sa industriya dahil hindi pa convincing kung bata ang mamimigay ng pera sa mga tao unless I do it just to give.”

Naging close sina Bossing at Sef dahil mga mainstay sila ng sitcom na Vampire Ang Daddy Ko. Idea ni Bossing na isama si Sef sa cast ng My Big Bossing, ang official entry niya noong 2014 sa Metro Manila Film Festival.

Mikael sinolo ang nanay sa New York

Trip to New York ang regalo ni Mikael Daez sa kanyang tanging ina.

Na-realize kasi ni Mikael na apat na taon na siya sa showbiz pero hindi pa niya nabibigyan ng bonggang regalo ang kanyang ina.

Niyaya ni Mikael na magbakasyon sa New York ang nanay niya na itago natin sa pangalan na Mrs. Daez.

Limang araw na naglamiyerda sa New York ang mag-ina at maligayang-maligaya si Mikael dahil first time nila na bumiyahe na silang dalawa lamang ang magkasama.

“We were in New York from Wednesday to Sunday. I had so much fun kasi it was my first time to give my mom such a big gift. First time for us to tra­vel, just me and her so it was nice.”

vuukle comment

GOT TALENT

LOLA FE

MAYWEATHER

MIKAEL

NEW YORK

PAPA MANNY

ROADFILL

SEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with