Matalino at kamukha pa naman niya, aktor inisnab ang recognition day ng anak
MANILA, Philippines – Parang nakalimutan na yata ng isang aktor ang anak niya sa unang asawa.
Biruin mo ang tali-talino pa naman ng bata pero nang dumalo sa recognition day para tanggapin ang kanyang mga medalya, hindi man lang sinipot ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ina, maintindihan ko pa dahil baka may taping. Kailangan din kasing maghanap-buhay nitong si actress, pero ang tatay na aktor pa rin naman hanggang ngayon ay parang walang masyadong pinagkakaabalahan. Kaya kung gusto siguro, ano ba naman ‘yung sinamahan niya ang anak.
Although may ibang anak na ang aktor na ito sa bagong karelasyon, pero hello ilang oras lang ba naman ang recognition day sa eskuwelahan ng elementary grade. Saka isang beses lang naman ‘yan sa isang taon. Besides, hindi naman siya nagparamdam ng buong taon sa eskuwelahan ng anak.
Tanging ang lola lang ni bagets ang dumalo. Ang cutie pie pa naman ng bagets na ito at matalino pa. Panahon na rin siguro para mag-asawa uli ang nanay ni bagets na aktres, ‘yung lantaran ha para naman magkatatay uli si bagets (unless hindi lang inilalantad ni aktres). Ang amang aktor ni bagets ay lantaran na ang relasyon sa nanay ng kanyang bagong anak.
Isyu kina Melissa kinaiiritahan na
Nakakairita na ang kuwento kina Melissa Mendez at ang sinasabing sinaktan niyang si Rey Pamaran.
Kung bakit naman kasi walang masyadong ibang intriga sa showbiz kaya pahaba nang pahaba.
Ang daming ibang puwedeng pagtuunan ng attention sa kasalukuyan, ‘di nga lang gaanong showbiz.
Parang may sawa factor na kasi. At parang na-e-enjoy na nila ha. Ha ha ha ha. Peace.
Media pinakiusapang ‘wag nang patulan ang away nina Amalia
May nakikiusap na sa ilang media na ‘wag nang patulan ang mga sinasabi ni Amalia Fuentes. Ang sabi ng source, hindi na dapat dumating sa ganitong punto ang isyu sa pamilya ni Liezl lalo na nga’t nanahimik na ang aktres.
Sana raw ay tigilan na rin ng beteranang aktres ang mga sinasabi laban sa apo dahil talagang nakakahiya pa at ang buong pamilya ang nasisira.
May point naman talaga ang ilang nagmamalasakit na kaibigan sa pamilya nina Ms. Amalia at ng mga naiwan ni Ms. Liezl.
- Latest