^

PSN Showbiz

Wala na kasing masyadong career ang aktres, Jessy ginagamit lang daw si JM

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sana naman ay hindi makahadlang sa anumang binabalak ni JM de Guzman para sa kanila ng ex niyang si Jessy Mendiola ang umano’y pag­tutol ng kanyang fans na ligawan niyang muli ang aktres.

Parang hindi nga maganda ang da­ting sa supporters ng aktor sa kanila na in good times lamang okay si JM sa aktres. In bad times, na­wawala ito na ang tinutukoy ay noong panahong nasa rehab ang ka­­nilang idolo na hindi man lang daw naalala ng aktres.

Ngayong mu­ling nagkabalikan ang da­la­wa as friends, gusto ng fans na ma­natili na lamang sa ga­ni­tong sitwas­yon ang dalawa at huwag nang ba­­likan ang kanilang nakaraan. Naniniwala silang payag lang ang aktres na balikan ang nakaraan nila dahil okay nang muli ang karer ng aktor. Magaling na ito at mata­gumpay na nabalikan ang kanyang pagi­ging artista. Naniniwala silang mas na­ka­kaangat na ngayon ang aktor sa kanyang ex na wala pang ginagawang trabaho samantalang abalang-abala at walang pahinga sa trabaho si JM.

Bintang na pamimili kay Nora, unfair

Unfair naman yung ibinibintang  kay Nora Aunor na hindi niya deserved mag-best actress dahil iginapang at inila­kad ng kanyang ma­nager ang dalawang huling best actress award na nakuha niya. Sa tagal ba naman ni Angge Lee sa showbiz, ngayon pa siya gagapang ng award para sa isang alaga niya na hindi na magkandaugaga sa rami ng napapanalunang awards?

ANGGE LEE

BINTANG

GUZMAN

JESSY MENDIOLA

MAGALING

NANINIWALA

NORA AUNOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with