^

PSN Showbiz

Natakot sa demanda?! Melissa nag-sorry na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Humingi na kahapon ng paumanhin si Melissa Mendez sa businessman na si Rey Pamaran, ang mhin na sinampal niya sa loob ng eroplano kaya inaaba­ngan ng mga tsismosa kung itutuloy ng boss ni Andrew Wolff ang paghahain ng demanda.

Residente si Pamaran ng Taguig City at kumalat kahapon ang balita na isa­sampa niya ngayon ang kanyang mga demanda laban kay Melissa na nakikipag-usap na rin sa isang abogado.

Ang sabi ng mga intrigera, tatlong milyong piso ang halaga ng damages na hihingin ni Pamaran mula kay Melissa.

Tahimik pa ang kampo ni Melissa tungkol sa isyu ng pagdedemanda ni  Pamaran. Waiting pa ang lahat kung magkokontra-asunto siya laban kay Pamaran, matapos ng paghingi niya kahapon ng paumanhin.

Naglabas si Pamaran ng open letter noong weekend. Ipinaabot niya kay Melissa ang kanyang kapatawaran at ang offer na hindi na magdedemanda, kapalit ang public apology ng aktres at ang pagsasabi nito ng the truth and nothing but.

Melissa at Rey kasama na si Andrew hindi malayong magkabati dahil semana santa na!

Holy Week na sa susunod na linggo kaya magkakaroon ng pagkakataon sina Melissa, Pamaran, at Andrew na magtika at magnilay-nilay tungkol sa kontrobersya na starring sila at pinagpipistahan ng mga tao na hindi nauubusan ng mga opinyon.

Maiinit pa ngayon ang mga damdamin nila dahil sa kaguluhan na nangyari noong Biyernes pero hindi malabo na magkaroon ng mga pagpapatawad kung paiiralin nila ang mercy and compassion na madalas na ipaalaala ni Pope Francis nang bumisita ito sa ating bansa noong January 2015.

ANDREW WOLFF

HOLY WEEK

MELISSA

MELISSA MENDEZ

PAMARAN

POPE FRANCIS

REY PAMARAN

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with