^

PSN Showbiz

Kris malalagay sa alanganin sa Etiquette for Mistresses

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sa ginawang pagtanggap ni Kris Aquino ng pelikulang Etiquette for Mistresses, mukhang malalagay pa siya sa alanganin.

Ngayon pa lamang ay nagsisimula nang kalkalin ng marami ang na­ging relasyon niya nun sa ilang lalaki na sinasabing may mga sabit at naglagay sa kanya sa posisyong “mistress”.

In fairness to Kris, lahat ng mga nakarelasyon niya ay hiwalay na lahat. At kung isasama natin si Mayor Herbert Bautista, siya naman ay may tatlong anak, pero walang asawa. O may kokontra ba?

Kris napagbuntunan lang sa paglipat ni AiAi

Mukhang lumalabas na ngayon ang mala­king dahilan para iwan ni AiAi delas Alas ang network na matagal na nag-aruga at nagpasikat sa kanya. Ang masakit pa, sangkot na naman daw si Kris Aquino. Isinisi sa presidential sister ang naging kawalan ng interes ng network sa komed­yante. Hindi naman siguro totoo ito. Kailangang lang may masisi sa paglipat ni AiAi at ito ang pinakamagandang excuse?

James at Nadine mas lalo pang pasisikatin ni Direk Dan

Sa guidance ni Direk Dan Villegas na siyang nasa likod ng English Only, Please inaasahang mas sisikat pa ang tambalang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) sa pagsisi­mula ng pagpapalabas ng serye nilang On the Wings of Love sa kabilang istasyon.

Hindi man tanggapin ng fans ng mga kalabang tandem ang dalawa, mabilis ang pag-angat ng JaDine lalo’t maaalalang nakakaisang taon na ang Diary ng Panget. Ang maganda sa dalawa, pareho silang kuma­kanta ay may kanya-kanya silang album.

DAN VILLEGAS

DIREK DAN

ENGLISH ONLY

JAMES REID

KRIS AQUINO

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NADINE LUSTRE

ON THE WINGS OF LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with