^

PSN Showbiz

Toni messenger ang tingin sa hitsura ni Coco

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

May nakalinya pang pelikula si Toni Gonzaga titled You’re My Boss kung saan personal choice niya si Coco Martin. Pahinga muna sa drama ang aktor at komedi naman this time.

Gagampanan ni Coco ang role ng isang messenger sa top executive na si Toni.

Pero ganun ba ang tingin ni Toni kay Coco, pang-messenger ang hitsura? Ang guwapo namang messenger ni Coco kung saka-sakali.

Palabas na ito sa April 4 nationwide mula sa ABS CBN.

Kris walang paki sa ginawa ni Nora, tuloy ang pagtulong

Nanawagan si Nora Aunor na magbitiw na sa kanyang puwesto si Pangulong Noynoy Aquino. Dahil dito maraming nagtatanong kung ituloy pa kaya ni Kris Aquino ang pagtulong kay Nora.

Oo naman daw. Walang magbabago sa plano. Parang wala nga namang nakumbinse si Ate Guy sa kanyang panawagan kaya siguro hindi apektado si Kris.

Max ‘di pinangarap na maging beauty queen

Laking panghihinayang ni Max Collins na hindi nanalo sa anumang major title ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant si Wynwyn Marquez.

‘‘Ang galing-galing niyang rumampa at sumagot sa tanong kaya nagtataka ako kung bakit hindi siya nanalo,’’ pahayag ni Max.

Tinanong namin si Max kung my balak ba siyang sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant balang araw.

Inamin ni Max na wala siyang balak o pangarap para maging beauty queen. Mas gusto niyang maging artista.

vuukle comment

ATE GUY

COCO MARTIN

KRIS AQUINO

MAX COLLINS

MY BOSS

NORA

NORA AUNOR

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINAS BEAUTY PAGEANT

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with