^

PSN Showbiz

Max atat sa Marimar

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Atat na atat nang mag-audition si Max Collins para sa Marimar na muling iri-remake ng GMA-7. Matatandaan na una itong ginampanan sa lokal na bersyon ni Marian Rivera at naging isa sa mga dahilan ng pag-angat ng kanyang karera.

Kuwalipikado naman ang aktres dahil taglay niya ang ganda, ta­lento sa pag-sayaw at galing sa pag-arte. Ang kulang na lamang ay makapili rin ng puwedeng gumanap ng role ni Sergio na inaasahan niyang pag­lalabanan ng mga Kapuso actors, tulad nina Dennis Trillo, Tom Rodri­guez at Mike Tan na mga pinapangarap niyang makapareha.

Mukhang magtutuluy-tuloy na ang suwerte ni Max sa taong ito. Matapos maging cover girl ng FHM ay heto siya’t nakikipag-tagisan sa isang bagong recruit ng GMA, ang dating Kapamilyang si Empress Schuck na talagang pinangangatawanan ang pagiging kontrabida sa Kailan Ba Tama Ang Mali?

Angel masaya para kay Phil at Pia

Pagkahaba-haba naman ng buhok ng Bb. Pilipinas-Universe na si Pia Wurztbach. Dala-dalawa kasi ang masugid na manliligaw niya at pawang mga kilalang personalidad pa. Ang isa ay si P-Noy, pangulo ng Pilipinas at ang ikalawa ay si Phil Younghusband, ex ni Angel Locsin at member ng Azkals.

Inamin ni Pia, na hindi pala totoong na-disqualify siya sa Miss Universe dahil hindi raw ito purong Pinay, kina Boy Abunda at Kris Aquino sinabi na nagdi-date sila ni P-Noy na ikinatuwa ng TV host at hiniling pang paligayahin nito ang kuya niya.

Samantala, natutuwa naman si Angel Locsin kung totoo man ang balita na nakita na ng ex niyang si Phil Younghusband ang hinahanap nitong katangian sa isang babae sa beauty queen. Wish niyang maging masaya na ang lovelife nito tulad din ng pagiging masaya niya kay Luis Manzano.

Kris suportahan kaya si Bimby sa hot air balloon?!

Si Bimby Aquino Yap, ang isa sa Best Child Performers ng nagdaang Star Awards for Movies, ay magiging bisita sa gaganaping Hot Air Balloon Festival sa March 26-29 sa Lubao, Pampanga. Punong abala sa nasabing event ang Mayor ng Lubao na si Mylene Pineda.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEST CHILD PERFORMERS

BIMBY AQUINO YAP

BOY ABUNDA

DENNIS TRILLO

EMPRESS SCHUCK

HOT AIR BALLOON FESTIVAL

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with