Cesar walang pinalalampas na pelikula ni Sean Penn
Alam mo, Salve A., I have to admit na hindi ako movie buff but whenever I have a chance at oras, naisisingit ko rin ang panonood ng sine paminsan-minsan sa pamamagitan ng mga premiere nights o ‘di kaya celebrity screenings.
Sa imbitasyon ng OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad sa celebrity screening ng action-packed movie na The Gunman, napanood namin ang kakaibang action movie na pinagbibidahan ng ex-husband ni Madonna na si Sean Penn.
Kahit hindi kami mahilig sa action movies ay tinapos namin ang pelikula dahil maganda ang pagkakagawa at na-surprise kami sa husay ni Sean na malaki ang hawig kay Sylvester Stallone.
Ang isang big fan ni Sean Penn ay ang actor-director-producer na si Cesar Montano na humabol sa premeire showing ng pelikula sa Megamall last Monday evening.
Ayon kay Buboy (palayaw ni Cesar), wala umano siyang pinalalagpas na pelikula ni Sean at hangang-hanga siya sa husay nitong actor.
Showing na sa mga sinehan ang The Gunman na dinirek ni Pierre Morel na siya ring director ng Taken.
Alonzo walang malay na sikat na
Dala-dalawa ang teleserye ng bagong Child Wonder na si Alonzo Muhlach ang tumatakbo ngayon, ang Inday Bote na nagsimula last March 16 at ang Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na magsisimula namang mapanood ngayong gabi, March 22 sa Kapamilya Network.
Gusto pa sana nilang kunin si Alonzo na maging bahagi ng daily morning show na Umagang Kay Ganda (UKG) pero nag-beg off na muna ang mga namamahala sa career ng bata dahil wala na ito halos pahinga. Dalawang taping kasi ang kanyang nilalagare ngayon at malapit na rin niyang simulan ang kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films at sunud-sunod na product endorsements.
Ang maganda kay Alonzo, hindi siya aware na sikat na siya kahit pinagkakaguluhan siya saan man magpunta. Very accommodating ang bata sa tuwing hinihingan siya ng photo souvenir ng kanyang fans.
- Latest