Robin tanggap na tanggap na ang pagkawala ng anak nila ni Mariel
PIK: Sa pagpasok ng bagong show ni Willie Revillame na mapapanood tuwing Linggo, nilinaw ng mga taga-Sunday All Stars na hindi sila matsutsugi at papalitan ng Wowowin. Tuluy-tuloy pa rin ang SAS na kuwela ang summer treat mamayang hapon tampok ang mga sexy Kapuso babes na sina Andrea Torres, Rochelle Pangilinan, Sam Pinto at ang latest cover girl na si Max Collins.
PAK: Maluwag na tinanggap ni Robin Padilla ang miscarriage ni Mariel Padilla kahit matagal na raw nilang pinlano pero hindi pa talaga ibinigay sa kanila ng Diyos.
Pagkatapos ng kay Mariel, ganundin ang nangyari sa dating Sex Bomb dancer na si Jopay Paguia.
Mabigat man itong nangyari sa kanya, tinanggap pa rin nila ito ng asawa niyang si Joshua Zamora.
Pero sa susunod daw ay mag-iingat na siya dahil ang itinuturong dahilan kung bakit daw nakunan si Jopay ay ang madalas na pagsuot nito ng heels.
BOOM: Ayaw nang magsalita pa ni Andrew Wolff sa isyung nangyari sa kanila ni Melissa Mendez sa flight nila sa Cebu Pacific patungong Pagadian City kamakalawa ng umaga.
Tinanggal na niya ang ipinost sa Instagram dahil bina-bash na raw siya ng supporters ni Melissa sa tulong ng anak nito.
Nagpadala na lang si Andrew ng statement kaugnay sa gulong ito, at hindi na raw siya magsasalita dahil makakapagpatunay naman daw ang mga taga-Cebu Pacific at ang mga nakasabay nilang pasahero.
Bahagi ng pahayag nito: “I never said or did anything bad towards her. The other passengers and flight attendants can attest to that. Meron siyang nasaktang tatlong tao, kami po wala kaming ginawa sa kanya.
“We were not issued any warnings by Cebu Pacific staff. Unfortunately, Ms. Melissa was given 3 warnings to sit down to otherwise be ejected sa flight.
“Kasama po namin sa flight ang apat na kaibigan niya hanggang Pagadian, Hindi po nila kami kinonfront or inaway sa pag-eject ni Ms. Melissa sa buong flight hanggang Pagadian kasi wala pong rason i-confront kami.”
Sabi pa ni Andrew; “Sapat na po ang statement na ito. Kung may sasabihin pa po si Ms, Melissa, wala na po kaming balak na sagutin pa. Ang mga taga-Cebu Pacific na po na walang kinakampihan ang makapagbigay ng totoo, walang labis, walang kulang na salaysay.
- Latest