Ara hindi pa maangkin ang pagiging first lady!
Ngayong nabinyagan na ang first born nina Ara Mina at Bulacan mayor Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle or Mandy, kasal na lamang ang kulang sa dalawa.
Malamang na hintayin na ng mag-partner ang paglaki-laki pa ni Mandy para ito ang magsilbing flower girl sa kanilang kasal.
Since hindi pa kasal sina Mayor Patrick at Ara, hindi pa raw totally ma-claim at magampanan ni Ara ang pagiging First Lady ng Bulacan.
Cesar hindi pa rin sumusuko
Nalulungkot ang actor-director-producer na si Cesar Montano sa sinapit ng kanyang marriage kay Sunshine Cruz na nagbunga ng tatlong matatalino at magagandang anak na babae. Never niyang inisip na balang araw na pati ang mga anak nila ay madadamay dahil sa legal squable nila ng kanyang dating misis.
May pinagdaraanan man ngayon si Cesar, umaasa siya na balang araw ay magkakaroon din ng kaliwanagan ang lahat lalo na sa kanyang mga anak na naiipit sa sitwasyon.
Idiniin ni Cesar na mahal na mahal niya ang kanyang mga anak at never umano siyang gagawa ng bagay na ikasisira ng mga ito, maging ng kanyang buong pagkatao.
Albert at mga anak nila ni Liezl pinipilit maka-move on
Eksaktong isang linggo na ngayon mula nang sumakabilang buhay last Saturday (March 14) morning ang dating child star at MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) board member na si Anna Lissa “Liezl” Sumilang-Martinez na iginupo ng kanyang sakit na kanser sa breast at lungs na may kung ilang taon din niyang nilabanan.
Hindi madali para sa iniwang mister ni Liezl na si Albert Martinez at kanilang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso at Alissa na tanggapin ang kanyang maagang pagkawala.
Malaking kawalan si Liezl sa buhay ng mag-aamang Albert dahil hindi lamang sila nawalan ng ilaw ng kanilang tahanan kundi nawalan din sila ng inspirasyon at sandalan.
Patuloy na aalalahanin ni Albert at ng kanyang mga anak ang masasayang araw nung buhay pa si Liezl at naniniwala sila na patuloy silang gagabayan nito kahit hindi na nila ito kasama physically.
Pahinga din muna si Albert sa kanyang trabaho bilang aktor na balak ipagpatuloy pagkatapos ng Holy Week.
Patrick patatali na ngayon!
Ngayong araw (March 21) ang kasal ng actor na si Patrick Garcia sa kanyang live-in partner at ina ng kanyang two-year-old daughter na si Chelsea na si Nikka Martinez na gaganapin sa Blue Leaf Pavilion.
Ang panganay na anak ni Patrick (sa singer-actress na si Jennylyn Mercado) na si Alex Jazz ang tatayong ring-bearer.
- Latest