Nagwala at nanakit Melissa Mendez sapilitang pinababa ng eroplano
MANILA, Philippines - Grabe, tiyak na papatawan ng parusa ang hindi na masyadong aktibong aktres na si Melissa Mendez matapos umano’y makapamerwisyo sa loob ng eroplanong papunta ng Pagadian kahapon ng umaga.
Aba hindi lang daw basta pagwawala ang ginawa nito. Nanuntok ng isang pasahero, flight attendants at nagmura ng mga kapwa pasahero. At apektado raw ang lahat ng nakasakay sa nasabing eroplano dahil nag-decide daw ang piloto na bumalik ng Manila para sapilitang pababain ang aktres na umano’y lasing na lasing ayon sa Instagram account ng kapwa niya pasahero na Rugby player at model na si Andrew Wolff. Kaibigan din umano ni Wolff ang isa sa mga nasuntok ng aktres.
Malamang daw na magmulta ng P500,000 at tatlong taong pagkakulong ang aktres sa ginawa nito
Pero mariing itinanggi ni Melissa ang mga akusasyon sa interview ng TV Patrol kagabi. Maayos daw ang pakikipag-usap niya sa kampo ni Wolff na naunang nagbanta sa kanyang hahampasin ng bag ang mukha niya.
Oh oh. So sino ang dapat paniwalaan?
Disney stories, games, at iba pa nasa PLDT Home Telpad na
Wow ang PLDT Home Telpad ang official digital hub for Disney interactive. Ito ay matapos ang groundbreaking partnership na nagbibigay ng full access sa subscribers ng Home Telpad ng extensive array of digital content featuring well-loved Disney stories.
Perfect ito ngayong summer dahil children will surely find creative ways habang ini-explore ang digital world nina Cinderella, Queen Elsa, Mickey Mouse, Avengers and Luke Skywalker at iba pang Disney favorites.
Puwedeng-puwedeng maglaro ang mga bata sa Disney content nito. At para masiguro na hindi bitin ang inyong paglalaro, dalawang premium games will be automatically available each month sa lahat ng subscribers na mag-a-upgrade ng Disney package.
At sa mga hindi pa nagsasawa sa Disney movie tiyak na magsasaya sila sa movie spin off games like Frozen Free Fall and Toy Story Smash It!. All games will be easily accessed on the Disney widget ng PLDT Home Telpad.
Pero hindi lang naman puro laro ang puwede n’yong pagkaabalahan dahil puwede kayong magbasa sa kanilang hundreds of electronic interactive e-books na perfect for bedtime.
At para makumpleto ang Disney experience, ang lahat ng subscribers who upgrade also get limited edition ng Disney-themed skins for their Telpad which come in a DIY application kit. Bongga itong pang-bonding sa bahay.
Maging ang celebrity moms na sina Danica Sotto-Pingris and LJ Moreno-Alapag ay nagpapatunay kung paano nae-entertain ang kanilang mga anak sa Disney ng PLDT Home Telpad.
“Favorite bonding activity naming ngayon ang maglaro ng games Telpad,” sabi ni Danica. “Confident kami ni Marc that the kids are playing with kid-friendly and educational games so we’re really glad that there’s Disney on Telpad,” dagdag na kuwento ni Danica.
Ayon naman kay LJ, mas naging exciting ang bed time nila dahil sa selection ng Disney stories. “Bed time has really become extra special for us. Pati si Jimmy (Alapag), nakikinig sa kuwento,” pahayag ni LJ.
Ayon naman kay Mr. Ariel P. Fermin, PLDT executive vice president and head of home business “If there is one thing that kids around the world have in common, it’s a love for Disney, Marvel, Pixar and Star Wars stories.
“Disney’s suite of interactive and family-friendly content is an ideal for the PLDT Home Telpad, which is the centerpiece of the digitally connected Filipino home.”
For additional info log on to www.pldthome.com/telpad.
Isinabay sa launching ng Disney Interactive sa PLDT Telpad ang special screening ng Disney movie na Cinderella kamakailan.
Iza kasama si Tia Carrere sa Hollywood film
Sinimulan na pala kahapon ang shooting ng Showdown in Manila. Kinunan ang mga eksena sa Manila Police District headquarters kaya naman nagpiyesta ang fans at nagdulot ng matinding traffic. Starring sa Hollywood film sina Alexander Nevsky ng Russia, Casper Van Dien, Tia Carrere and Filipino cast members na sina Iza Calzado, Jake Macapagal, Bangs Garcia, and Will Devaugh.
- Latest