^

PSN Showbiz

Jessy umeeksena uli sa buhay ni JM?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bukas ang 22-year-old Kapamilya actress Jessy Mendiola na muling maka­trabaho ang kanyang ex-boyfriend na si JM de Guzman. Marami rin ang humu­hulang muling magkakabalikan ang da­ting magkasintahan lalupa’t napanatili nila ang ka­nilang pagi­ging close. Natutuwa rin si Jessy sa ma­gagandang nangyayari ngayon kay JM sa muli nitong pagbabalik sa showbiz matapos itong sumailalim sa rehab na may kinalaman sa droga.

Si JM ay co-star ni Angelica Pa­nga­niban sa hit indie movie That Thing Called Tadhana, ang highest grossing local independent movie of all time.

Direk Andoy susubukang idirek si Alonzo

Although sa bakuran ng Kapamilya Network nag­simula si Direk Andoy Ranay in 2005 sa ser­yeng Til Death Do Us Part at Prinsesa ng Ban­ye­ra, considered na siyang Kapuso director ngayon  dahil tuloy-tuloy ang kanyang TV projects sa nasa­bing network na kanyang sinimulan in 2010 sa First Time na sinundan ng Endless Love.

Ang GMA Films ang nagbigay ng break kay Direk Andoy sa pagdidirek ng pelikula sa pamama­gitan ng Sosy Problems in 2012 pero ang Viva Films ang nagbigay sa kanya ng sunud-sunod na movie projects tulad ng hit movies na Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead na siyang naglunsad sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Siya rin ang nagdirek ng Trophy Wife at When Love Is Gone still under Viva.

Napag-alaman namin kay Boss Vic del Rosario ng Viva na si Andoy rin ang na­pipisil para magdirek sa launching movie ng new Child Wonder na si Alonzo Muhlach.

Niño wala nang urungan ang pagpo-produce

Kung bukas pa rin ang original Child Wonder na si Niño Muhlach sa kanyang pagiging isang aktor, mas gusto niyang pagtuunan nga­yon ang kanyang pagiging isang movie director at ito’y maisasakatuparan sa pamamagitan ng Viva Films kung saan siya may nilagdaang multi-picture directorial job.

Ang Viva big boss na si Boss Vic ang nagbalita sa amin na may sisimulang movie si Niño bilang di­rector at magdidirek ng ilang pelikula ng bunsong anak na si Alonzo na remake ng mga pelikulang pinasikat niya noon.

Magiging co-producer din si Niño ng Viva Films sa pamamagitan ng kanilang family-owned D’Wonder Films sa mga pelikulang gagawin ni Alonzo.

Coco nag-enjoy sa ‘una’ nila ni Direk Antoinette

All praises sa isa’t isa sina Toni Gonzaga at Coco Martin at aminado ang dalawa na naging instant friends sila sa simula pa lamang ng shooting ng pelikula nilang You’re My Boss. Ang pelikula ay first rom-com movie ni Coco at aminado siya na nag-enjoy siya nang husto doing the movie with Toni at Direk Tonette Jadaone.

Kahit award-winning actor si Coco, hindi nito ikinaila na nakaka-take 5 or 6 siya kay Direk Tonette which he doesn’t mind dahil gusto lamang ng director na lalong mapaganda ang pelikula.

ALONZO

ALONZO MUHLACH

CHILD WONDER

DIREK ANDOY

MOVIE

SHY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with