^

PSN Showbiz

Nakasagi pa ng nakamotorsiklo Vandolph naaksidente, gulong ng sasakyan sumabog!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naligtas sa kapahamakan si Vandolph Quizon nang mabutas ang gulong ng kanyang sasakyan sa NAIA Road, Parañaque City.

Sumampa sa center island ang sasakyan ni Vandolph at nasagi nito ang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki na medyo nasaktan.

Hindi pinabayaan ni Vandolph ang biktima pero nagresulta ng traffic sa NAIA Road ang naganap na aksidente.

Walang dapat ikabahala ang fans ni Vandolph na huling nakita sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo dahil sinuportahan niya ang pagsali ng kapatid na si Winwyn Marquez sa Bb. Pilipinas 2015.

Big news hindi pa puwedeng isambulat

Sobrang dami ng mga nagtatanong sa akin tungkol sa big news na sinasabi ko sa column ko kahapon.

My lips are sealed for the meantime para hindi ma-pre-empt ang big news na puwedeng maganap anumang oras ngayon. Ang importante, alam ko na ang buong detalye at wala nang magaganap na atrasan.

Sigurado naman na puputok ang balita dahil mga kilala at kontrobersyal na tao ang involved. Sa mga excited at curious, wait and see na lang kayo. Basta ang masasabi ko, pagpipistahan ang big news!

Aktres na adik sa pagpaparetoke, manas na naman ang mukha

Manas ang mukha ng isang aktres pero wala siyang sakit.

Obvious na namanas o namaga ang mukha ng aktres dahil hooked na siya sa pagpaparetoke.

Wala na ang natural na ganda ng aktres na sinamba noon ng mga kalalakihan at nagluklok sa kanya sa trono ng mga artista na magaganda ang mukha sa showbiz.

Pero in denial ang aktres. Pinanindigan niya ang pralala na wala siyang ipinaayos sa mukha na hindi believable dahil malayung-malayo na ang hitsura niya sa kanyang original face.

Pinoy-Singaporean singer na si Miguel Antonio kakaiba ang boses at galing sa pagtugtog ng piano

Ipinakilala ng Curve Entertainment sa entertainment writers ang 14-year-old Filipino-Singaporean singer na si Miguel Antonio.

Pilipina ang nanay at Singaporean ang ama ng bagets na isinilang sa Davao pero lumakit at nagkaisip sa Singapore.

Humanga kay Miguel ang entertainment writers dahil sa edad na katorse, punum-puno ng damdamin ang kanyang pagkanta hitsurang hindi pa siya nakakaranas ng mga kasawian sa pag-ibig.

Take note, tunay na musician si Miguel dahil hindi lamang ang golden voice niya ang kanyang puhunan, maga­ling din siya na tumugtog ng piano.

Ang verdict ng entertainment press, malayo ang mararating ng singing career ni Miguel na discovery ni Apl.de.ap ng Black Eyed Peas at tinutulungan ngayon ng Curve Entertainment.

Singapore-based ang pamilya ni Miguel pero mananatili siya sa Pilipinas para sa mga singing engagement na ibinigay sa kanya ng mga bossing niya sa Curve Entertainment.

Isa pang mayor ng Makati, huli! Romulo Peña PInagmUMulta sa hindi pagsuot ng helmet sakay ng motorsiklo

Ang gulu-gulo ng sitwasyon sa Makati City dahil dalawa ang alkalde nila ngayon na sina Mayor Junjun Binay at Vice-Mayor Romulo Peña, Jr.

Ang mga kaganapan sa Makati ay malateleserye na sinusubaybayan sa mga evening news program dahil araw-araw, may bagong twist.

Iginiit ni Peña na ito ang acting mayor ng Makati City dahil nakapanumpa na siya nang lumabas ang TRO na pabor kay Binay.

Pero sa mga residente ng Makati, si Papa Junjun pa rin ang kinikilala nila na alkalde.

Sakay ng motorsiklo, nag-ikot na si Peña sa Makati para tuparin ang kanyang mga tungkulin bilang acting mayor pero hindi siya nagsuot ng helmet na agad napansin ng taumbayan.

Nakakaloka at comedy ang nangyari dahil bawal sa Makati ang hindi pagsusuot ng helmet ng motorcycle riders kaya pinagmumulta si Peña ng P350!

Nag-sorry na si Peña dahil sa hindi paggamit ng helmet pero inookray siya ng kanyang mga kababayan dahil sa paglabag niya sa batas.

CURVE ENTERTAINMENT

DAHIL

MAKATI

MAKATI CITY

MIGUEL

MIGUEL ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with