GMA 7 tatlo ang pasabog sa summer
MANILA, Philippines – Sa pagbubukas ng summer season, hatid ng GMA Network sa mga Kapuso ang tatlong malalaking programa sa pamamagitan ng isang summer primetime launches omnibus plug na inilunsad kamakailan sa 24 Oras. Kabilang dito ang faith serye na Pari ‘Koy, ang romantic drama na Let The Love Begin at ang intriguing soap opera na The Rich Man’s Daughter.
Ang summer primetime launches omnibus plug na ito ay pinangungunahan ng pinakamalalaki at pinakamaningning na Kapuso stars na makikitang namamasyal, at nag-e-enjoy sa rides at iba’t ibang attractions sa isang amusement park.
Itinatampok ang family-friendly series na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ng Primetime King na si Dingdong Dantes. Sa unang pagkakataon ay ginampanan ni Dingdong ang karakter ng isang unconventional priest na madaling lapitan at nakikihalubilo sa mga tao. Kasama rin sa cast ng Pari ‘Koy sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Jillian Ward, Luz Valdez, Dexter Doria, Rap Fernandez, JC Tiuseco, Carlo Gonzales, Jeric Gonzales, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindsay de Vera at ang pinakabagong child prodigy ng GMA-7 na si David Remo bilang Pinggoy, ang makulit at may pagkapilyo na “village’s son” ng Barangay Pinagpala na may mahalagang papel na gagampanan sa buhay ni Father Kokoy.
Ipinakikilala ang fast-rising loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa upcoming primetime series na Let the Love Begin. Paiiyakin, patatawanin at paiibigin ng Let the Love Begin ang mga manonood kung saan tampok ang nakakakilig na kwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan ng dalawang indibidwal.
At ang inaabangang compelling drama series na The Rich Man’s Daughter tampok ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa title role. Gagampanan ni Marian ang challenging role ni Jade Tanchingco, isang heiress mula sa isang mayamang pamilya. Sa programa, hinahanapan si Jade ng kanyang ama ng isang manliligaw at payag ito na magbayad ng malaking halaga sa lalaking kayang magpaibig sa kanyang anak.
- Latest